Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nakaalpas sa kanya ang dasal sa gabi dahil sa sakit o iba pa rito, nagdarasal siya sa maghapon ng labindalawang rak`ah.

Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nakaalpas sa kanya ang dasal sa gabi dahil sa sakit o iba pa rito, nagdarasal siya sa maghapon ng labindalawang rak`ah.

Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nakaalpas sa kanya ang dasal sa gabi dahil sa sakit o iba pa rito, nagdarasal siya sa maghapon ng labindalawang rak`ah."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag hindi nakapagsagawa ng dasal sa gabi dahil sa isang sakit o iba pa rito, ay nagdarasal sa araw ng labindalawang rak`ah dahil siya noon, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagdarasal ng witr na labing-isang rak`ah. Kapag lumipas ang gabi at hindi siya nakapagdasal ng witr dahil sa pagkatulog o kahawig nito, binabayaran niya ang dasal na ito; subalit kapag nakaalpas ang oras ng witr, ang itinatagubilin ay gawin niya ito bilang isang dasal na tukol.

التصنيفات

Ang Ṣalāh ng Pagkukusang-loob, Ang Patnubay Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan – sa Ṣalāh