إعدادات العرض
1- Nagdasal ako kasama ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ng dalawang tindig bago ang Al-Dhuhr;at dalawang tindig pagkatapos nito,at dalawang tindig pagkatapos ng Al-Jumuah,at dalawang tindig pagkatapos ng Al-Maghrib,at dalawang tindig pagkatapos ng Al-`Eishah
2- Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay naglalakbay-Nagdasal siya ng `Eishah sa huling [oras nito],binasa niya sa unang dalawang tindig ang kabanata ng Atten at Azzaytun,Wala pa akong narinig sa sinuman na may mas magandang tinig o pagbasa sa kanya.
3- Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay nagdadasal [nagpapatirapa],pinaglalayo niya ang pagitan ng dalawang bisig nito,hanggang sa naaaninag ang kaputian ng dalawang kili-kili niya
4- Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay bumibisita sa Quba na sumasakay at naglalakad,Nag-aalay siya rito ng dalawang Tindig na pagdarasal
5- Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay natutulog sa unang bahagi ng gabi at gumigising sa huling bahagi nito at nagdadasal
6- Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nakaalpas sa kanya ang dasal sa gabi dahil sa sakit o iba pa rito, nagdarasal siya sa maghapon ng labindalawang rak`ah.
7- Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbabasa sa dasal ng Fajr sa araw ng Jumuah ng:{Alif,Lam,Mim,Ang pagkapahayag ng Aklat (Qur-an) ay walang pag-aalinlangan na nagmula sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang} at {Hindi baga dumatal sa ang isang panahon na siya ay hindi [man lamang] isang bagay na nababanggit?}
8- Katotohanan na hindi Ako magpapabaya sa pagdadasal ko (kay ALLAH) para sa inyo tulad ng ginawa ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pagdarasal niya (kay Allah) para sa amin
9- Nagdasal ako kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, isang gabi. Nagsimula siya Al-Baqarah
10- Ako noon ay nagdarasal kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng mga dasal. Ang dasal niyon noon ay katamtaman at ang talumpati niya ay katamtaman.
11- Nagdasal ako kasama ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, isang gabi. Pinatagal niya ang pagtayo hanggang sa nakaisip ako ng isang bagay na masama! Sinabi: Ano ang naiisip mo? Nagsabi siya: Naisip ko na umupo at iwan siya.