إعدادات العرض
Nakapagsaulo ako mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng sampung rak`ah
Nakapagsaulo ako mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng sampung rak`ah
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: "Nakapagsaulo ako mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng sampung rak`ah: dalawang rak`ah bago ng ḍ̆uhr at dalawang rak`ah matapos nito, dalawang rak`ah matapos ng maghrib sa bahay niya, dalawang rak`ah matapos ng `ishā' sa bahay niya, at dalawang rak`ah bago ng ṣalāh sa fajr, at iyon noon ay oras na walang pumapasok sa kinaroroonan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsanaysay sa akin si Ḥafṣah na siya noon, kapag nanawagan ang mu'adhdhin at sumapit ang fajr, ay nagdarasal ng dalawang rak`ah."} Sa isang pananalita: "na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagdarasal noon ng dalawang rak`ah matapos ng ṣalāh sa Biyernes."
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdî Kiswahili සිංහල Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Tiếng Việt ไทย پښتو অসমীয়া دری Кыргызча or नेपाली Malagasy Kinyarwanda Română తెలుగు Lietuvių Oromoo മലയാളം Nederlands Soomaali Shqip Српски Українська Deutsch ಕನ್ನಡ Wolof Moore ქართული Azərbaycan Magyar mr தமிழ் Македонскиالشرح
Naglilinaw si `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na kabilang sa mga kusang-loob na ṣalāh na naisaulo niya buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang sampung rak`ah. Tinatawag ang mga ito bilang mga sunnah rātibah: Dalawang rak`ah bago ng ḍ̆uhr at dalawang rak`ah matapos nito, Dalawang rak`ah matapos ng maghrib sa bahay niya, Dalawang rak`ah matapos ng `ishā' sa bahay niya, Dalawang rak`ah bago ng fajr. Kaya nalubos ang sampung rak`ah. Hinggil naman sa ṣalāh sa Biyernes, nagdarasal siya matapos nito ng dalawang rak`ah.فوائد الحديث
Ang pagsasakaibig-ibig sa mga kusang-loob na ṣalāh na ito at ang pagpapanatili ng mga ito.
Ang pagkaisinasabatas ng pagganap ng sunnah sa bahay.