{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagdasal siya noon, ay nagbubuka sa pagitan ng mga bisig niya [sa sandali ng pagpapatirapa] hanggang sa lumitaw ang kaputian ng mga kilikili niya.}

{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagdasal siya noon, ay nagbubuka sa pagitan ng mga bisig niya [sa sandali ng pagpapatirapa] hanggang sa lumitaw ang kaputian ng mga kilikili niya.}

Ayon kay `Abdullāh bin Mālik bin Buḥaynah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagdasal siya noon, ay nagbubuka sa pagitan ng mga bisig niya [sa sandali ng pagpapatirapa] hanggang sa lumitaw ang kaputian ng mga kilikili niya.}

[Tumpak] [Nagkasang-ayon sa katumpakan nito]

الشرح

Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagpatirapa siya, ay nagbubuka sa pagitan ng mga bisig niya sa sandali ng pagpapatirapa kaya nagpapahiwalay siya ng bawat bisig palayo sa tagiliran na katabi nito, tulad ng mga pakpak, hanggang sa lumitaw ang kulay ng balat ng mga kilikili niya. Ito ay bahagi ng pagpapalabis sa pagpapahiwalay ng mga bisig at pagpapalayo sa mga ito buhat sa mga tagiliran.

فوائد الحديث

Ang pagsasakaibig-ibig ng anyong ito sa pagkapatirapa. Ito ay ang paglalayo ng mga bisig buhat sa mga tagiliran.

Ang ma'mūm na napeperhuwisyo ang katabi niya dahil sa pagbuka ng mga bisig ay hindi isinasabatas para sa kanya iyon.

Sa pagbuka ng mga bisig sa pagkakapatirapa ay may kasanhian at katuturang marami. Kabilang sa mga ito ang paglalantad ng kasiglahan at pagkaibig sa pagsasagawa ng ṣalāh. Kapag sumandal ang tao sa lahat ng mga bahagi ng katawan para sa pagpapatirapa, nakakukuha ang bawat bahagi ng karapatan nito sa pagsamba. Sinasabi: Ang kasanhian kaugnay roon ay na ito ay nakawangis ng pagpapakumbaba at higit na mariin sa pagpapatatag ng noo at ilong sa lapag at gayundin upang mabukod ang bawat bahagi mismo.

التصنيفات

Ang Patnubay Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan – sa Ṣalāh