إعدادات العرض
Ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pag-aayuno sa dalawang araw: Ang Eid Al-Fitr at Eid Al-Adha,at ang pagsuot sa damit na walang butas,at ang pag-upo ng patingkayad ng isang lalaki sa nag-iisang damit,at ang pagsadarasal pagkatapos ng Subh at `Asr
Ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pag-aayuno sa dalawang araw: Ang Eid Al-Fitr at Eid Al-Adha,at ang pagsuot sa damit na walang butas,at ang pag-upo ng patingkayad ng isang lalaki sa nag-iisang damit,at ang pagsadarasal pagkatapos ng Subh at `Asr
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allah sa kanya- hadith na marfu- ((Ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pag-aayuno sa dalawang araw: Ang Eid Al-Fitr at Eid Al-Adha,at ang pagsuot sa damit na walang butas,at ang pag-upong patingkayad ng isang lalaki sa nag-iisang damit,at ang pagsadarasal pagkatapos ng Subh at `Asr))
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी Français Português Kurdî සිංහල Русскийالشرح
Ipinagbawal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa hadith na ito ang pag-aayuno sa dalawang araw at ang pagsuot sa dalawang kasuutan,at ang dalawang pagdarasal.Ang tungkol sa dalawang araw kung saan ay ipinagbabawal ang pag-aayuno rito,ay ang araw ng Eid Al-Fitr,at araw ng Eid Al-Adhah,at ang layunin sa pagbabawal ng pag-aayuno sa dalawang araw na ito ay dahil hindi naaangkop ang pag-aayuno sa araw ng pagkain at kasiyahan,at ang tungkol sa dalawang kasuutan,ay ang ang pagsuot sa damit na walang butas,at ang pag-upong patingkayad ng isang lalaki sa nag-iisang damit,at tunay na naidetalye ito sa salaysay ni Imam Al-Bukhariy: " Kapag wala sa ari niya ang kahit na anong kasuutan" At ang tungkol sa dalawang pagdarasal;ay ang pagdarasal pagkatapos ng dasal na Subh [madaling araw] at ang pagdarasal pagkatapos ng dasal na `Asr [hapon], bilang pag-iiwas o pangangalaga, sa panggagaya sa mga walang pananampalataya,na silang nagpapatirapa sa araw sa oras ng pagsikat nito at paglubog nito,subalit ipinapahintulot ang pagdarasal rito ng obligadong dasal kung siya ay hindi nakapagdasal nito,at gayundin ang [iba pang] mayroong kadahilananالتصنيفات
Ang Ipinagbabawal Para sa Nag-aayuno