Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay lumabas sa amin saka nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, nakaalam na kami kung papaano kaming babati sa iyo kaya naman papaano kaming dadalangin ng basbas sa iyo?

Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay lumabas sa amin saka nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, nakaalam na kami kung papaano kaming babati sa iyo kaya naman papaano kaming dadalangin ng basbas sa iyo?

Ayon kay `Abdurraḥmān bin Abī Laylā na nagsabi: {Nakipagtagpo sa akin si Ka`b bin `Ujrah saka nagsabi ito: "Hindi ba ako magreregalo sa iyo ng isang regalo? Tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay lumabas sa amin saka nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, nakaalam na kami kung papaano kaming babati sa iyo kaya naman papaano kaming dadalangin ng basbas sa iyo?" Nagsabi siya: "Kaya magsabi kayo: Allāhumma ṣalli `alā muḥammadin wa-`alā āli Muḥammad, kamā ṣallayta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. Allāhumma bārik `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammad, kamā bārakta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal. O Allāh, biyayaan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbiyaya Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal.)"}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagtanong ang mga Kasamahan sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pamamaraan ng pagdalangin ng basbas sa kanya matapos ng pagkaalam nila ng pamamaraan ng pagdalangin ng pangangalaga sa kanya sa taḥiyāt: "... assalāmu `alayka ayyuha -nnabīyu wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh, ... (Ang pangangalaga ay sumaiyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang mga biyaya Niya. ...)" Kaya nagpabatid sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa pamamaraan ng pagdalangin ng basbas sa kanya. Ang kahulugan nito: "Allāhumma ṣalli `alā muḥammadin wa-`alā āli Muḥammad, (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad)" Ibig sabihin: Magbunyi Ka sa kanya sa marikit na pagbanggit sa konsehong pinakamataas, sa mga tagasunod niya sa Relihiyon niya, at mga mananampalataya mula sa kamag-anakan niya. "kamā ṣallayta `alā ibrāhīma ... (... gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham)" Kung paanong nagmabuting-loob ka sa mag-anak ni Abraham (sumakanya ang pangangalaga): sina Abraham, Ismael, Isaac, at ang mga supling nila at ang mga tagasunod nila na mga mananampalataya, mag-ugnay ka ng kabutihang-loob mo kay Muḥammad (ang basbas at ang pangangalaga ay sumakanya). "innaka ḥamīdum majīd. tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal." Ibig sabihin: Ang pinapupurihan sa sarili Mo, mga katangian Mo, at mga gawa Mo, ang Malawak sa kadakilaan Mo, kapamahalaan Mo, at pagbibigay Mo. "Allāhumma bārik `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammad, kamā bārakta `alā ibrāhīma ... (O Allāh, biyayaan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbiyaya Mo kay Abraham ...)" Ibig sabihin: Magbigay Ka sa kanya mula sa kabutihan at karangalan ng pinakadakila rito, magdagdag Ka nito, at magpatibay Ka nito.

فوائد الحديث

Ang Salaf ay nagpapatnubayan sa mga usapin ng kaalaman.

Ang pagkakinakailangan ng pagdalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Huling Tashahhud ng ṣalāh.

Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagturo sa mga Kasamahan niya ng pagdalangin ng pangangalaga at basbas sa kanya.

Ang pormularyong ito ay ang pinakakumpleto sa mga pormularyo sa pagdalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

التصنيفات

Ang mga Dhikr sa Ṣalāh, Ang mga Kaasalan ng Maalam at Mag-aaral