Hindi ginawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na mag-ayuno ng maraming beses sa mga buwan maliban sa Sha`ban

Hindi ginawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na mag-ayuno ng maraming beses sa mga buwan maliban sa Sha`ban

Ayon kay Aieshah-malugod si Allah sa kanya-siya nagsabi:Hindi ginawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na mag-ayuno ng maraming beses sa mga buwan maliban sa Sha`ban,Sapagkat siya ay nag-aayuno sa lahat ng (Araw) Sha`ban.At sa isang salaysay: Siya ay nag-aayuno sa (Araw ng) Sha`ban maliban sa iilang araw lamang.

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ayon kay Aieshah-malugod si Allah sa kanya-siya nagsabi:Hindi ginawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na mag-ayuno ng maraming beses sa mga buwan maliban sa Sha`ban,Sapagkat siya ay nag-aayuno sa lahat ng (Araw) Sha`ban.At sa isang salaysay: Siya ay nag-aayuno sa (Araw ng) Sha`ban maliban sa iilang araw lamang.Ang Pangalawa(Hadith) ay nagbibigay kahulugan sa Una(Hadith),at nagpapahayag na; ang sinabi nito na "lahat" ay;karamihan dito, At ang sinasabi na "Siya ay nag-aayuno sa lahat (ng Araw) ng Sha`ban sa oras na yaon,at Nag-aayuno sa ilang araw nito sa ibang taon.", At sinasabi din na" Siya ay nag-aayuno minsan sa unang lingo nito,at minsan ay sa huling lingo nito,at minsan ay sa pagitan ng dalawang ito," At hindi niya hinahayaan dito na hindi siya makapag-ayuno sa mga taon,Kaya dahil dito, nararapat sa mga tao na paramihin ang pag-aayuno sa buwan ng Sha`ban,na higit na marami sa ibang buwan.Sapagkat ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nag-aayuno dito,At ang layunin doon ay ang paghaharap sa(pagsapit ng )Ramadhan,tulad ng pagsasagawa ng (Kusang-loob na dasal) Rawatib sa paghaharap(pagsapit ng) sa Dasal na Obligado.At sinasabi din: Sa paglalaan sa buwan ng Sha`ban ng maraming pag-aayuno,sapagkat dito ay itinataas ang mga gawain ng lingkod niya,tulad ng napatunayan sa Sunnah.

التصنيفات

Ang Pag-aayuno ng Pagkukusang-loob