Kung sakaling bibigyan ang mga tao dahil sa pag-aangkin nila, talaga sanang may nag-angkin na mga lalaki ng mga yaman ng mga tao at mga buhay ng mga ito; subalit ang katunayan ay nasa nag-aangkin at ang pa ay nasa sinumang nagkaila."}

Kung sakaling bibigyan ang mga tao dahil sa pag-aangkin nila, talaga sanang may nag-angkin na mga lalaki ng mga yaman ng mga tao at mga buhay ng mga ito; subalit ang katunayan ay nasa nag-aangkin at ang pa ay nasa sinumang nagkaila."}

Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kung sakaling bibigyan ang mga tao dahil sa pag-aangkin nila, talaga sanang may nag-angkin na mga lalaki ng mga yaman ng mga tao at mga buhay ng mga ito; subalit ang katunayan ay nasa nag-aangkin at ang pa ay nasa sinumang nagkaila."}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imam Al-Bayhaqie]

الشرح

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kung sakaling bibigyan ang mga tao dahil sa simpleng pag-aangkin nila nang walang mga patunay ni mga katibayan, talaga sanang may nag-angkin na mga tao ng mga yaman ng mga ibang tao at mga buhay ng mga ito; subalit kinakailangan sa tagapag-angkin ang paghahain ng katunayan at patunay sa anumang hinihiling niya. Kung hindi siya nagkaroon ng isang katunayan, ilalahad ang pag-aangkin sa inaangkinan. Kung nagkaila nito ang inaangkinan, kailangan sa kanya ang sumumpa at mapawawalang-sala siya.

فوائد الحديث

Nagsabi si Ibnu Daqīq Al-`Īd: Ang ḥadīth na ito ay isang batayan kabilang sa mga batayan ng mga patakaran at pinakadakilang sanggunian sa sandali ng paghihidwaan at alitan.

Ang Batas ng Islām ay dumating para mangalaga sa mga ari-arian ng mga tao at mga buhay niya laban sa paglalaru-laro.

Ang hukom ay hindi humahatol sa pamamagitan ng kaalaman niya at sumangguni lamang sa mga katunayan.

Ang bawat sinumang nag-angkin ng isang pag-aangking salat sa patotoo, ito ay tatanggihan, maging ito man ay kaugnay sa mga karapatan at mga pakikitungo o kaugnay sa mga usapin ng pananampalataya at kaalaman.

التصنيفات

Ang mga Pag-aangkin at ang mga Katibayan