Sinuman ang kumain ng Bawang o Sibuyas ay umiwas sa amin-o umiwas sa Masjid namin,at manatili sa bahay niya

Sinuman ang kumain ng Bawang o Sibuyas ay umiwas sa amin-o umiwas sa Masjid namin,at manatili sa bahay niya

Ayon kay Jābir bin Abdullah, malugod si Allah sa kanilang dalawa.,Buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Katotohanan siya ay nagsabi: ((Sinuman ang kumain ng Bawang o Sibuyas ay umiwas sa amin-o umiwas sa Masjid namin,at manatili sa bahay niya,At ibinigay sa kanya ang isang kaldero na naglalaman ng berding gulay,Natagpuan niya rito ang amoy,Nagtanong siya?Sinabi sa kanya kung ano ang mayroon sa gulay na ito,Nagsabi siya:Ilapit ninyo ito sa ibang mga kasamahan ko.Nang makita niya ito,namunghi siya na kumain rito,Nagsabi siya: Kumain ka,Sapagkat ako ay sumasangguni [ng palihim] sa sinumang hindi mo sinasanggunihan)) Ayon kay Jābir bin Abdullah, malugod si Allah sa kanilang dalawa.,Katotohanan ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagsabi:(( Sinuman ang kumain ng Bawang at Sibuyas at [leek] katulad din ng sibuyas ,ay huwag lumapit sa Masjid namin,Sapagkat ang mga Anghel ay nasasaktan dahil sa pananakit ng mga Anak ni Adam))

[Tumpak] [napagkaisahan ang katumpakan sa dalawang salaysay niya]

الشرح

Kinakailangan na ang nagdadasal ay nasa kanyang pinakamagandang amoy at bango nito,lalong-lalo na kung siya ay nagsasagawa ng dasal niya sa pinagtitipunan ng pangkalahatan,Kung -kaya`t ipinag-utos ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa sinumang kumain ng Bawang o Sibuyas na hilaw,na umiwas sa mga Masjid ng mga Muslim,at gumanap ng pagdarasal niya sa bahay niya,hanggang sa mawala sa kanya ang amoy na kinamumunghian,na siyang nakakapagparusa sa mga nagdadasal at sa mga malapit na mga Anghel,At nang mailapit sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kaldero na may lamang mga gulay at berdeng halaman,natagpuan niya rito ang nakakamunghing amoy,ipinag-utos niya na ilapit ito sa sinumang naroroon sa kanya mula sa mga kasamahan niya,At nang makita ng [kasamahan niyang] naroroon na kinamunghian niya ito,pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-inakala niya na ito ay ipinagbabawal [haram],Nag-alinlangan siya na kainin ito,Ipinahayag niya sa kanya na ito ay hindi ipinagbabawal [haram],at hindi niya ito kinamunghian dahil sa ipinagbabawal [haram] ito,at ipinag-utos sa kanya na kumain,at ipinahayag niya sa kanya na ang pumipigil sa kanya sa pagkain rito ay dahil siya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay may koneksiyon sa Panginoon niya,at sinasanggunian na hindi nakikipag-ugnayan sa kanya ay kahit na sinuman,Kayat nararapat na siya ay nasa pinakamagandang kalagayan,sa paglapit niya sa Panginoon niya,Kapita-pitagan Siya at Kataas-taasan,at dahil sa ang pangangalaga sa kapakanan ng karamihan sa pamamagitan ng pagpipigil sa pagpaparusa sa mga mananampalataya ay siyang dapat unahin mula sa pangangalaga sa pansariling kapakanan dahil sa pagdalo sa Karamihan [Jamaah sa Masjid] Na siyang nagiging dahilan sa pagkawala nito.

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Ṣalāh sa Jamā`ah at ang mga Patakaran Nito