إعدادات العرض
Walang anumang propeta na ipinadala ni Allāh sa isang kalipunan bago ko malibang nagkaroon siya mula sa kalipunan niya ng mga disipulo at mga kasamahan na humahawak sa sunnah niya at tumutulad sa utos niya
Walang anumang propeta na ipinadala ni Allāh sa isang kalipunan bago ko malibang nagkaroon siya mula sa kalipunan niya ng mga disipulo at mga kasamahan na humahawak sa sunnah niya at tumutulad sa utos niya
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Walang anumang propeta na ipinadala ni Allāh sa isang kalipunan bago ko malibang nagkaroon siya mula sa kalipunan niya ng mga disipulo at mga kasamahan na humahawak sa sunnah niya at tumutulad sa utos niya. Pagkatapos tunay na [ang kalipunang] ito ay hinalilihan matapos na ng mga ito ng mga kahalili na nagsasabi ng hindi nila ginagawa at gumagawa ng hindi ipinag-uutos sa kanila. Kaya ang sinumang nakibaka laban sa kanila sa pamamagitan ng kamay niya, siya ay isang mananampalataya; ang sinumang nakibaka laban sa kanila sa pamamagitan ng dila niya, siya ay isang mananampalataya; at ang sinumang nakibaka laban sa kanila sa pamamagitan ng puso niya, siya ay isang mananampalataya. Wala na bukod para riyan na anumang pananampalataya na [singlaki ng] isang buto ng mustasa."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Kiswahili Português සිංහල Nederlands Tiếng Việt অসমীয়া پښتو ગુજરાતી മലയാളം Română नेपाली Deutsch Fulfulde Кыргызча తెలుగు ქართული Moore Magyar Svenska Українська Македонски Lietuvių ಕನ್ನಡ Kinyarwanda Wolof Oromoo ไทย Српски मराठी ਪੰਜਾਬੀ دری አማርኛ Malagasy ភាសាខ្មែរالشرح
Nagpabatid ang Propeta (s) na walang anumang propeta na ipinadala ni Allāh sa isang kalipunan bago niya malibang nagkaroon ito mula sa kalipunan nito ng mga hinirang, mga tagaadya, at mga nakikibakang nagpapakawagas, na nararapat sa paghalili matapos nito, na humahawak sa kalakaran nito at tumutulad sa utos nito. Pagkatapos may darating matapos ng mga hinalinhan na iyon na mga taong walang kabutihan sa kanila, na nagsasabi ng hindi nila ginagawa at gumagawa ng hindi ipinag-uutos sa kanila. Kaya ang sinumang nakibaka laban sa kanila sa pamamagitan ng kamay niya, siya ay isang mananampalataya; ang sinumang nakibaka laban sa kanila sa pamamagitan ng dila niya, siya ay isang mananampalataya; at ang sinumang nakibaka laban sa kanila sa pamamagitan ng puso niya, siya ay isang mananampalataya. Wala na bukod para riyan na anumang pananampalataya na [singlaki ng] isang buto ng mustasa.فوائد الحديث
Ang paghimok sa pakikibaka laban sa mga tagasalungat sa Batas sa pamamagitan ng mga sinasabi nila at mga ginagawa nila.
Ang hindi pagmamasama ng puso sa nakasasama ay isang patunay ng kahinaan ng pananampalataya o pagkaalis nito.
Ang pagpapadali ni Allah (zt) para sa mga propeta ng magdadala ng mensahe nila matapos na nila.
Ang sinumang nagnais ng kaligtasan, manatili siya sa pagsunod sa metodolohiya ng mga propeta dahil ang bawat daan bukod pa sa daan nila ay kasawian at kalisyaan.
Sa tuwing nalalayo ang panahon sa Propeta (s) at mga Kasamahan niya (malugod si Allah sa kanila), iniiwan ng mga tao ang mga sunnah, sinusunod nila ang mga pithaya, at nagpapauso sila ng mga bid`ah.
Ang paglilinaw sa mga antas ng pakikibaka at na ito ay sa pamamagitan ng kamay para sa mga nakakakaya sa pagpapaiba gaya ng mga nakatalaga sa mga tungkulin, mga tagapamahala, at mga pinuno; sa pamamagitan ng pagsasabi sa pamamagitan ng paglilinaw sa katotohanan at pag-aanyaya tungo rito; at sa pamamagitan ng puso sa pamamagitan ng pagmasama sa nakasasama at hindi pag-ibig dito o pagkalugod dito.
Ang pagkakinakailangan ng pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama.