Walang nadarama ang martir na hapdi ng kamatayan malibang gaya ng nadarama ng isa sa inyo na hapdi ng kurot.

Walang nadarama ang martir na hapdi ng kamatayan malibang gaya ng nadarama ng isa sa inyo na hapdi ng kurot.

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Walang nadarama ang martir na hapdi ng kamatayan malibang gaya ng nadarama ng isa sa inyo na hapdi ng kurot."

[Maganda] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy]

الشرح

Ang kahulugan ng ḥadīth ay na ang tao, kapag nagkamit ng pagkamartir sa landas ni Allāh, tunay na ang dumadapo sa kanya na hapdi ng pagpatay - na sa sanaysay ni Imām Ad-Dārimīy: "mula sa sakit ng pagpatay" - ay hindi niya nadarama malibang gaya ng nadarama ng isa sa atin na kagat ng langgam - na sa sanaysay ni Imām Ad-Dārimīy: "mula sa sakit ng kagat." Ang kahulugan ay na ang martir ay hindi dumaranas ng tindi ng sakit ng kamatayan at ng mga hapdi nito gaya ng kalagayan ng mga taong iba sa kanya. Bagkus tunay na ang pinakamatinding mararamdaman niya at titiisin niya sa pagkamatay niya ay ang nararamdaman natin mula sa kagat ng langgam na idinudulot nito na sakit kasabay ng bilis ng paglaho ng sakit. Kaya naman hindi niya ito nararamdaman. Ito ay bahagi ng kabutihang-loob ni Allāh, pagkataas-taas Niya, sa martir sapagkat noong inialay niya ang kaluluwa niya sa landas ni Allāh, pagkataas-taas Niya, pinagaan ni Allāh sa kanya ang sakit ng pagkapatay.

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Jihād