إعدادات العرض
Ang sinumang nagkawanggawa ng katumbas ng isang datiles mula sa mabuting kinita - at hindi tumatanggap si Allah malibang mabuti - tunay na si Allah ay tatanggap niyon sa pamamagitan ng kanang kamay Niya. Pagkatapos ay alalagaan Niya ito para sa nagbigay nito gaya ng pag-aalaga ng isa sa inyo ng…
Ang sinumang nagkawanggawa ng katumbas ng isang datiles mula sa mabuting kinita - at hindi tumatanggap si Allah malibang mabuti - tunay na si Allah ay tatanggap niyon sa pamamagitan ng kanang kamay Niya. Pagkatapos ay alalagaan Niya ito para sa nagbigay nito gaya ng pag-aalaga ng isa sa inyo ng kabayong guya niya hanggang sa maging tulad ng bundok.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang nagkawanggawa ng katumbas ng isang datiles mula sa mabuting kinita - at hindi tumatanggap si Allah malibang mabuti - tunay na si Allah ay tatanggap niyon sa pamamagitan ng kanang kamay Niya. Pagkatapos ay alalagaan Niya ito para sa nagbigay nito gaya ng pag-aalaga ng isa sa inyo ng kabayong guya niya hanggang sa maging tulad ng bundok."
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Portuguêsالشرح
Ang sinumang nagkawanggawa ng tulad sa halaga ng isang datiles na ḥalāl na walang halong pandaraya at panlilinlang yamang hindi tatanggapin ni Allah kung hindi ḥalāl na mabuti, tunay na si Allah ay tatanggap niyon sa pamamagitan ng kanang kamay Niya. Ito ay ayon sa nakalitaw ng kahulugan nito gaya ng naaangkop sa Kanya, napakadakila Niya, nang walang pagpapakahulugan, ni paglilihis. Ang ibig sabihin ay tinanggap Niya ito mula sa kanya gaya ng nasa sanaysay ni Imām Muslim. Palalaguin Niya ito at pag-iibayuhin ang gantimpala gaya ng pag-aalaga ng isa sa inyo ng guyang kabayo o anak ng kabayo hanggang sa lumaki ito.