Hindi nalalabag ang buhay ng isang taong Muslim malibang dahil sa tatlo: ang nakapag-asawang nangalunya, ang buhay sa buhay, at ang nag-iwan sa relihiyon niya na nakipaghiwalay sa pangkat.

Hindi nalalabag ang buhay ng isang taong Muslim malibang dahil sa tatlo: ang nakapag-asawang nangalunya, ang buhay sa buhay, at ang nag-iwan sa relihiyon niya na nakipaghiwalay sa pangkat.

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya: "Hindi nalalabag ang buhay ng isang taong Muslim malibang dahil sa tatlo: ang nakapag-asawang nangalunya, ang buhay sa buhay, at ang nag-iwan sa relihiyon niya na nakipaghiwalay sa pangkat."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ang buhay ng Muslim ay banal hindi nilalabag maliban sa tatlong kalagayang nabanggit sa ḥadīth: ang sinumang nakapag-asawa na at nakipagtalik sa ilalim ng isang tumpak na pag-aasawa pagkatapos ay nangalunya pa; ang sinumang pumatay ng isang Muslim nang sinasadya, nang wala sa katwiran; ang umiwan sa Islām, na nakipaghiwalay sa pangkat ng mga Muslim; at ang anumang ayon sa kahulugan ng mga ito. Hindi ipinahihintulot na padanakin ang dugo ng Muslim malibang dahil sa tatlong ito, at anumang maihahambing sa mga ito at umaalinsunod sa panuntunan ng mga ito na hindi nabanggit sa ḥadīth bilang isang teksto. Kabilang roon ang pagpatay sa nakikipagtalik sa kapwa lalaki at nakipagtalik sa Maḥram sapagkat ang maiuugnay rito ay ang unang kalagayan. Ang pagpatay naman sa manggagaway at tulad nito ay naitutulad sa ikatlong kalagayan.

التصنيفات

Ang mga Kahatulan Hinggil sa mga Takdang Parusa