Sa tingin ba ninyo kung sakaling may isang ilog sa tabi ng pinto ng isa sa inyo, na naliligo siya mula rito sa bawat araw nang limang ulit, magsasabi ka bang iyon ay magtitira pa mula sa karumihan niya?

Sa tingin ba ninyo kung sakaling may isang ilog sa tabi ng pinto ng isa sa inyo, na naliligo siya mula rito sa bawat araw nang limang ulit, magsasabi ka bang iyon ay magtitira pa mula sa karumihan niya?

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Sa tingin ba ninyo kung sakaling may isang ilog sa tabi ng pinto ng isa sa inyo, na naliligo siya mula rito sa bawat araw nang limang ulit, magsasabi ka bang iyon ay magtitira pa mula sa karumihan niya?" Nagsabi sila: "Hind po iyon magtitira mula sa karumihan niya ng anuman." Nagsabi siya: "Kaya iyon ay tulad ng limang ṣalāh: nagpapawi si Allāh sa pamamagitan ng mga ito ng mga kasalanan."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagwangis ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa limang ṣalāh sa bawat araw at gabi sa pag-aalis ng mga ito at pagtatakip-sala ng mga ito sa maliliit sa mga pagkakasala at mga pagkakamali sa isang ilog sa tabi ng pinto ng tao, na naliligo siya mula rito sa bawat araw nang limang ulit kaya walang natitira mula sa karumihan niya at pagkamarumi niya na anuman.

فوائد الحديث

Ang kainamang ito ay natatangi sa pagtatakip-sala sa maliliit na kasalanan. Hinggil naman sa malalaking kasalanan, hindi pagkaiwas sa pagbabalik-loob mula sa mga ito.

Ang kainaman ng pagganap ng limang ṣalāh at ang pangangalaga sa mga ito kalakip ng mga kundisyon ng mga ito, mga haligi ng mga ito, mga kinakailangan ng mga ito, at mga sunnah ng mga ito.

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Ṣalāh