إعدادات العرض
Iwan mo ang nagpapaalinlangan sa iyo patungo sa hindi nagpapaalinlangan sa iyo.
Iwan mo ang nagpapaalinlangan sa iyo patungo sa hindi nagpapaalinlangan sa iyo.
Ayon kay Al-Ḥasan bin `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Iwan mo ang nagpapaalinlangan sa iyo patungo sa hindi nagpapaalinlangan sa iyo."
[Tumpak] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Português සිංහල Nederlands অসমীয়া Tiếng Việt Kiswahili ગુજરાતી پښتو Oromoo አማርኛ ไทย Română മലയാളംالشرح
Tungkulin ng Mananampalataya na iwan ang napagdududahan sa pagkaipinahihintulot sa takot na baka masadlak sa ipinagbabawal nang hindi niya nararamdaman. Bagkus, tungkulin niyang lumipat mula sa napagdududahan tungo sa anumang ang pagkaipinahihintulot ay natitiyak, na wala ditong mapaghihinalaan, upang maging napapanatag ang puso, natitiwasay ang kaluluwa, naghahangad ng dalisay na ipinahihintulot, at nagpapakalayu-layo sa ipinagbabawal, mga mapaghihinalaan, at anumang nag-aatubili roon ang kaluluwa.