May lalaking nagtanong sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: tungkol sa pag-aayuno sa paglalakbay nagsabi siya: "Kung ninais mo, mag-ayuno ka; at kung ninais mo, tumigil ka."

May lalaking nagtanong sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: tungkol sa pag-aayuno sa paglalakbay nagsabi siya: "Kung ninais mo, mag-ayuno ka; at kung ninais mo, tumigil ka."

Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya: Si Ḥamzah bin `Amr Al-Aslamīy ay nagsabi sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: “Mag-aayuno po ako sa paglalakbay?” Ito noon ay madalas mag-ayuno kaya nagsabi siya: "Kung ninais mo, mag-ayuno ka; at kung ninais mo, tumigil ka."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ipinabatid ni `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya, na si Ḥamzah bin `Amr Al-Aslamīy, malugod si Allāh sa kanya, ay nagpabatid sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kung siya ba ay mag-aayuno sa paglalakbay? Pinapili siya ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa pag-aayuno o pagtigil sapagkat sinabi niya: "Kung ninais mo, mag-ayuno ka; at kung ninais mo, tumigil ka." Ang tinutukoy nito sa pag-aayuno rito ay ang pag-aayunong isinatungkulin dahil ang sabi ng Propeta: "Ito ay kapahintulutan mula kay Allāh." Ito ay nakadarama na siya ay nagtanong tungkol sa pag-aayunong isinatungkulin. Nagpapatunay roon ang itinala ni Imām Abū Dāwud: "Nagsabi ito, malugod si Allāh dito: O Sugo ni Allāh, tunay na ako ay may sasakyang pinatatakbo ko; naglalakbay ako sakay nito, at pinauupahan ko ito. Tunay na natapat sa akin ang buwang ito - tinutukoy niya ang Ramaḍān - habang ako ay nagtataglay ng lakas." Mula rito, lumilinaw na ang pagtigil sa pag-aayuno sa paglalakbay ay isang kapahintulutan mula kay Allāh. Kaya ang sinumang nagsagawa ng kapahintulutan, tama siya; at ang sinumang nag-ayuno, ipinahihintulot sa kanya iyon at itinuturing na ang pag-aayuno niya ay humantong sa isinasatungkulin sa kanya. Taysīr Al-`Allām pahina 325, Tanbīh Al-Afhām tomo 3/429-510, at Ta’sīs Al-Aḥkām 3/237.

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng mga Kasamahan ng Propeta – malugod si Allāh sa kanila, Ang Pinapayagan Para sa Nag-aayuno