إعدادات العرض
Ang sinumang pumunta sa umaga sa masjid o pumunta sa gabi, maghahanda si Allāh para sa kanya sa Paraiso ng isang tuluyan sa tuwing pumupunta siya sa umaga o pumupunta siya sa gabi."}
Ang sinumang pumunta sa umaga sa masjid o pumunta sa gabi, maghahanda si Allāh para sa kanya sa Paraiso ng isang tuluyan sa tuwing pumupunta siya sa umaga o pumupunta siya sa gabi."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang pumunta sa umaga sa masjid o pumunta sa gabi, maghahanda si Allāh para sa kanya sa Paraiso ng isang tuluyan sa tuwing pumupunta siya sa umaga o pumupunta siya sa gabi."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Português සිංහල Nederlands অসমীয়া Tiếng Việt Kiswahili ગુજરાતી پښتو Română മലയാളം Deutsch नेपाली Кыргызча ქართული Moore Magyar తెలుగు Svenska ಕನ್ನಡ Українська Македонски Kinyarwanda Oromoo ไทย Српски मराठी ਪੰਜਾਬੀ دری አማርኛ Malagasy Wolof ភាសាខ្មែរ Lietuviųالشرح
Nagbalita ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng nakagagalak sa sinumang pumupunta sa masjid para sa pagsamba o kaalaman o para sa iba pa roon kabilang sa mga pagpapakay ng kabutihan sa alinmang oras: sa simula ng maghapon o sa wakas nito, na si Allāh ay naglaan nga para sa kanya ng isang lugar at isang pagpapanauhin sa Paraiso sa tuwing dumarating siya sa masjid sa isang gabi o isang maghapon.فوائد الحديث
Ang kainaman ng pagpunta sa masjid at ang paghimok sa pangangalaga sa ṣalāh sa konggregasyon doon sapagkat ang lumiliban sa mga masjid ay kay rami ang nakaaalpas na kabutihan, kainaman, pabuya, at pagpapanauhin na inihahanda ni Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) sa mga nagsasadya sa Bahay Niya.
Kapag ang mga tao ay nagpaparangal sa sinumang dumarating sa mga bahay nila at nagkakaloob dito ng pagkain, si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay higit na mapagparangal kaysa sa nilikha Niya! Kaya ang sinumang nagsadya sa bahay ni Allāh, magpaparangal Siya rito at maghahanda Siya para rito ng isang dakilang malaking tuluyan.
Ang pagkatuwa at ang pagkainggit sa pagpunta sa mga masjid dahil ito ay inihahanda para sa kanya bilang tuluyan sa tuwing pumupunta siya sa umaga o pumupunta siya gabi ayon sa bilang ng pagpunta niya.