Kapag bumagsak ang langaw sa inumin ng isa sa inyo ay ilubog niya ito, pagkatapos ay alisin niya ito, sapagkat tunay na sa isa sa mga pakpak nito ay may karamdaman at sa kabila ay may kalunasan.

Kapag bumagsak ang langaw sa inumin ng isa sa inyo ay ilubog niya ito, pagkatapos ay alisin niya ito, sapagkat tunay na sa isa sa mga pakpak nito ay may karamdaman at sa kabila ay may kalunasan.

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Kapag bumagsak ang langaw sa inumin ng isa sa inyo ay ilubog niya ito, pagkatapos ay alisin niya ito, sapagkat tunay na sa isa sa mga pakpak nito ay may karamdaman at sa kabila ay may kalunasan." Sa isang sanaysay: "at tunay na iyan ay nagsasanggalang laban sa pakpak nitong naroon ang karamdaman."

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng tungkol sa langaw kapag bumagsak ito sa inumin. Tunay na ito ay hindi nakaaapekto sa inumin, bagkus kailangang ilubog ito nang buo roon. Iyon ay dahil sa ang isa sa mga pakpak nito ay may sakit, at ito ang pakpak na inilulubog sa tubig, at sa kabila ay may kalunasan sa sakit na iyon. Napatunayan na ng makabagong medisina ang katumpakan ng impormasyong ito na nalaman ng mga Muslim ilang siglo na ang nakalipas. Ang papuri ay ukol kay Allāh dahil sa biyaya ng Islām.

التصنيفات

Ang mga Patakaran ng mga Pagkain at mga Inumin