إعدادات العرض
Sinuman ang dumalo sa inyo ng Jumu`ah ay maligo
Sinuman ang dumalo sa inyo ng Jumu`ah ay maligo
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa-buhat sa Sugo ni Allah-pagplain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagsabi: (( Sinuman ang dumalo sa inyo ng Jumu`ah ay maligo))
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Português Kurdî සිංහල Nederlands অসমীয়া Tiếng Việt Kiswahili ગુજરાતી پښتو አማርኛ Oromoo ไทย Românăالشرح
Ang Pagtitipon sa dasal na Jumu`ah ay itinuturing na isang dakilang pananaw,at isang malaking pagpupulong mula sa pagpupulong mga Muslim,sapagkat dumarating sila upang isagawa ito,mula sa iba`t-ibang lugar lugar na tinatirahan nila.At ang isang tulad ng pagtitipong ito,kung saan ay ipinapakita ang palatandaan ng Islam,at karangyaan ng mga Muslim,Mararapat lang na ang dadalo rito ay nasa kanyang pinakamagandang kaaunyuan.at sa kanyang pinakamabangong amoy,at pinakamalinis na pangangatawan.Ang mga kasamahan ng Propeta-malugod si Allah sa kanila-ay nagdurusa mula sa kahirapan at pangangailangan,nasusuot sila ng damit [na yari sa lana],at naglilingkod sila sa kanilang mga sarili,Dumarating sila sa Jumu`ah na mayroon dala-dalang alikabok at sa kanila ay may pawis,At ang Masjid ay napakakitid,kaya`t nadadagdagan sa kanila ang pagpapawis sa loob ng Masjid,at napipinsala ang bawat isa sa kanila dahil sa nakakasuklam na amoy;Kaya ipinag-utos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na maligo sila sa pagpunta rito,at nang sa gayun ay mawala sa kanila ang mga dumi at amoy na nakakapinsala sa mga nagdadasal at mga Anghel na naroroon upang maknig sa sermon at pag-aalaala [kay Allah]