إعدادات العرض
May sampung pagkalikas: ang paggupit ng bigote, ang pagpapalago ng balbas, ang paggamit ng siwāk, ang paglinis ng ilong ng tubig, ang pagputol ng mga kuko, ang paghugas ng mga kasukasuan ng daliri, ang pagbunot ng buhok sa kilikili, ang pag-ahit ng buhok sa ari, at ang paggamit ng tubig [kapag…
May sampung pagkalikas: ang paggupit ng bigote, ang pagpapalago ng balbas, ang paggamit ng siwāk, ang paglinis ng ilong ng tubig, ang pagputol ng mga kuko, ang paghugas ng mga kasukasuan ng daliri, ang pagbunot ng buhok sa kilikili, ang pag-ahit ng buhok sa ari, at ang paggamit ng tubig [kapag umihi o dumumi].
Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya: "May sampung pagkalikas: ang paggupit ng bigote, ang pagpapalago ng balbas, ang paggamit ng siwāk, ang paglinis ng ilong ng tubig, ang pagputol ng mga kuko, ang paghugas ng mga kasukasuan ng daliri, ang pagbunot ng buhok sa kilikili, ang pag-ahit ng buhok sa ari, at ang paggamit ng tubig [kapag umihi o dumumi]." Nagsabi ang mananaysay: "Nakalimutan ko ang ikasampu ngunit malamang na ito ay ang pagmumog." Sinabi ito ni Wakī`, na isa sa mga mananaysay nito. Ang paggamit ng tubig [kapag umihi o dumumi] ay nangangahulugang istinjā'.
[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdî Kiswahili Português සිංහලالشرح
Nagpapabatid si `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng isang kabuuan ng mga sunnah ng pagkalikas. Ang "pagkalikas'" ay ang pagkakalikhang nilikha ni Allāh ang mga lingkod Niya alinsunod doon, at ginawa Niya silang mga katutubo sa paggawa niyon. Ito ay kabilang sa kabutihan. Ang tinutukoy roon ay ang pagkalikas na maayos dahil ang pagkalikas na nalihis ay hindi maisasaalang-alang dahil ang sabi ng Propeta: "Ang bawat sanggol ay ipinanganganak sa pagkalikas ngunit ang mga magulang niya ay nagpapahudyo sa kanya o nagpapakristiyano sa kanya o nagpapamago sa kanya." Ang una rito ay ang paggupit ng bigote: ang pagtabas nito hanggang sa lumitaw ang labi yayamang iyon ay bahagi ng kalinisan at pag-iwas sa inilalabas ng ilong sapagkat tunay ang bigote, kapag nakalugay sa bibig, ay didiit dito ang kinakain at iniinom kalakip ng pagpapangit ng anyo dahil sa kapal nito, kahit pa man minamagaling ito ng hindi nagbibigay-pansin dito. Kaya nararapat sa Muslim na mangalaga sa bigote niya sa pamamagitan ng paggupit o pagtabas. Huwag itong hahayaan nang higit sa 40 araw batay sa isinaysay ni Imām Muslim ayon kay Anas, malugod si Allāh sa kanya: "Nagtakda ng panahon para sa amin sa paggupit ng bigote, pagputol ng mga kuko, pagbunot ng buhok sa kilikili, at pag-ahit sa buhok sa ari, na hindi hahayaan nang higit sa apatnapung gabi." Tungkol naman sa "pagpapalago ng balbas," ang balbas ang anumang tumubo sa baba at mga panga. Ang tinutukoy ng "pagpapalago" nito ay ang hayaan itong maging makapal nang hindi isinasailalim sa pag-aahit o pagpapaikli nang kaunti ni nang marami dahil ang "pagpapalago" ay hinango sa "dami" at "pagpapasagana" kaya palaguin ninyo ito at paramihin ito gaya ng sabi ni Allāh (Qur'ān 7:95): "hanggang sa lumago sila at nagsabi..." Nasaad sa maraming ḥadīth ayon sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pag-uutos sa pagpapalago sa balbas sa sarisaring pananalita. Nasaad ito sa pananalitang "pasaganain ninyo" at "ilugay ninyo" at sa pananalitang "palaguin ninyo." Ang lahat ng mga ito ay nagpapatunay sa pag-uutos na panatilihin ito at hindi pakialaman. Alinsunod dito, hindi ipinahihintulot sa Muslim na mag-ahit ng balbas niya sa anumang kalagayan. Kung ginawa niya, sumalungat nga siya sa daan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sumuway siya sa utos nito, at nasadlak siya sa pakikipagwangis sa mga Mushrik. Ang "paggamit ng siwāk" ay nangangahulugang: Ang paggamit ng siwāk ay kabilang sa mga katangian ng pagkalikas na ipinaiibig ng Batas ng Islām. Ito ay pandalisay sa bibig at pampalugod sa Panginoon. Dahil dito, itinatagubilin ito sa bawat oras. Natitiyak ito sa sandali ng pagsasagawa ng wuḍū', ng ṣalāh, at ng pagkamalay mula sa pagkatulog. Binabago nito ang bibig, ang paninilaw ng ngipin, at tulad nito. Ang "paglinis ng ilong ng tubig" ay nangangahulugang: Ang paglinis ng ilong ng tubig ay bahagi ng pagkalikas dahil ito ay paglilinis at pag-aalis ng nasa ilong ng mga duming maaaring magsanhi rito ng kapinsalaan at pinsala. Ang paglilinis ng ilong ay nagaganap sa wuḍū' at nagaganap din sa hindi wuḍū' sa tuwing mangailangan ng paglilinis ng ilong. Singhutin mo ang tubig at linisin mo ang ilong mo. Ito ay nagkakaiba ayon sa pagkakaiba-iba ng mga tao. May mga taong hindi nangangailangan nito maliban sa wuḍū' at may mga taong nangangailangan nito nang madalas. Kabilang din roon sa mga sunnah ng pagkalikas ay ang pagmumog sapagkat tunay na ito ay bahagi ng pagkalikas yamang ang bibig at ang ilong ay pinagpupuntahan ng marami sa mga dumi kaya naman bahagi ng pagkalikas ang pangalagaan ang dalawang ito. Ang "paggupit ng mga kuko" ay nangangahulugang bahagi ng mga katangian ng pagkalikas ang pagputol ng mga kuko. Ang tinutukoy roon ay ang mga kuko ng mga kamay at mga paa. Hindi hahayaan ang mga ito nang higit sa apatnapung araw batay sa naunang ḥadīth. Ang "paghugas ng mga kasukasuan ng daliri" ay nangangahulugang ang paghugas sa panlabas at panloob na mga kasukasuan ng mga daliri dahil ang mga ito ay mga bahaging pinagtitipunan ng mga dumi dahil sa pangungulubot ng mga ito at pag-urong ng mga ito sapagkat maaaring hindi umabot sa mga ito ang tubig. Kapag binigyang pansin ang mga ito sa pamamagitan ng pagkiskis at pagpaparaan sa mga ito ng kabilang kamay, tunay na ang tubig ay aabot sa mga ito. Bahagi ng pagkalikas ang pangangalaga sa mga ito. Naisasama sa mga kasukasuan ng daliri ang lahat ng bahagi ng katawan na pinagtitipunan ng dumi dahil sa pawis o iba pa gaya ng lagusan ng tainga, mga likuran ng mga hita, at iba pa sa mga ito na nagiging madalas na makubli. Ang "pagbunot ng buhok sa kilikili" ay nangangahulugang kabilang sa mga katangian ng pagkalikas ang pagbunot ng buhok sa kilikili. Iyon ay dahil sa buhok na ito ay nasa isang bahagi ng dumarami rito ang pawis, natitipon dito ang mga dumi, at nababago kasama nito ang amoy. Hindi ito hahayaan nang higit sa 40 araw batay sa naunang nabanggit sa ḥadīth ayon kay Anas, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ang pinakamainam ay bunutin ito kung kakayanin ito. Kapag ang pagbunot ay nagiging mahirap, walang masamang ahitin ito o gamitan ng kremang pang-alis dahil ang layon, ang pag-aalis ng buhok at ang paglilinis sa kilikili, ay naganap nga. Ang "pag-ahit ng buhok sa ari" ay nangangahulugang kabilang sa mga katangian ng pagkalikas ang pag-aalis ng buhok sa ari. Ang tinutukoy ng "buhok sa ari" ay ang magaspang na buhok na tumutubo sa paligid ng ari ng babae at lalaki. Bahagi ng pagkalikas ang pag-aalis nito sa pamamagitan ng pag-ahit o pagbunot o paggupit o paggamit ng mga takdang makabagong gamot dahil ang layon ay ang paglilinis at nakakamit sa pamamagitan nito ang hinihiling. Ang mahalaga ay hindi hahayaan ito nang higit sa 40 araw batay sa naunang nabanggit mula sa ḥadīth ayon kay Anas, malugod si Allāh sa kanya. Ang "paggamit ng tubig [kapag umihi o dumumi]" ay nangangahulugang bahagi ng pagkalikas ang paggamit ng tubig [kapag umihi o dumumi]. Ipinakahulugan ito bilang istinjā'. Kinakatigan ang kahulugang ito ng sanaysay nina Imām Abū Dāwud at Imām Ibnu Mājah ayon kay `Ammām bin Yāsir, malugod si Allāh sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Bahagi ng pagkalikas ang pagmumog, ang paglinis ng ilong...ang paghugas ng ari." Ang istinjā' ay ang pag-aalis ng lumalabas sa puwit at ari sa pamamagitan ng isang malinis na bagay gaya ng tubig, bato, basahan, tissue, at tulad nito na nagtataglay ng katangian ng pag-aalis. Nagsabi ang mananaysay: "Nakalimutan ko ang ikasampu ngunit malamang na ito ay ang pagmumog." Ito ay isang pagdududa ng mananaysay. Ang buod nito: Ang mga gawaing ito, ang lahat ng mga ito, ay lumulubos sa panlabas ng tao, nagdadalisay sa kanya, naglilinis sa kanya, at nagtataboy sa kanya ng mga bagay na nakapipinsala at minamarumi.التصنيفات
Ang mga Sunnah ng Kadalisayan