إعدادات العرض
{Nagtanong ako kay `Ā'ishah. Nagsabi ako: "Sa aling bagay noon nagsisimula ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kapag pumasok siya sa bahay niya?" Nagsabi ito: "Sa siwāk."}
{Nagtanong ako kay `Ā'ishah. Nagsabi ako: "Sa aling bagay noon nagsisimula ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kapag pumasok siya sa bahay niya?" Nagsabi ito: "Sa siwāk."}
Ayon kay Shurayḥ bin Hāni' na nagsabi: {Nagtanong ako kay `Ā'ishah. Nagsabi ako: "Sa aling bagay noon nagsisimula ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kapag pumasok siya sa bahay niya?" Nagsabi ito: "Sa siwāk."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල Hausa Kurdî Kiswahili Português Nederlands Tiếng Việt অসমীয়া ગુજરાતી አማርኛ پښتو ไทย മലയാളം नेपालीالشرح
Bahagi ng paggabay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magsimula siya sa paggamit ng siwāk kapag pumasok siya sa bahay niya sa alinmang oras sa gabi o maghapon.فوائد الحديث
Ang pagkaisinasabatas ng paggamit ng siwāk ay pangkalahatan sa lahat ng mga oras. Nabibigyang-diin iyon sa mga oras na ihinabilin ng Tagapagbatas. Kabilang sa mga ito sa sandali ng pagpasok sa bahay, sa sandali ng pagsasagawa ng ṣalāh, sa sandali ng pagsasagawa ng wuḍū', matapos magising sa pagkatulog, at sa sandali ng pag-iba ng amoy ng bibig.
Ang paglilinaw sa sigasig ng mga Tagasunod sa pagtatanong tungkol sa mga kalagayan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga sunnah niya upang tularan nila.
Ang pagkuha ng kaalaman mula sa mga alagad nito at mula sa sinumang higit na maalam yayamang tinanong si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) tungkol sa kalagayan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sandali ng pagkapasok sa bahay.
Ang kagandahan ng pakikisama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mag-anak niya yayamang siya ay nagdadalisay ng bibig niya sa sandali ng pagkapasok sa bahay.
التصنيفات
Ang mga Sunnah ng Kadalisayan