إعدادات العرض
Ang dasal ng lalaki sa isang kongregasyon ay nakahihigit sa dasal niya sa palengke niya at bahay niya nang lampas sa dalawampung antas.
Ang dasal ng lalaki sa isang kongregasyon ay nakahihigit sa dasal niya sa palengke niya at bahay niya nang lampas sa dalawampung antas.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang dasal ng lalaki sa isang kongregasyon ay nakahihigit sa dasal niya sa palengke niya at bahay niya nang lampas sa dalawampung antas. Iyon ay dahil sa ang isa sa inyo, kapag nagsagawa siya ng wuḍū' at hinusayan niya ang pagsasagawa ng wuḍū', pagkatapos ay pumunta siya sa masjid, na walang ninanais kundi ang pagdarasal, na walang nag-udyok sa kanya kundi ang pagdarasal, wala siyang hahakbanging hakbang malibang mag-aangat para sa kanya dahil dito ng isang antas at mag-aalis sa kanya dahil dito ng isang kasalanan hanggang sa makapasok siya sa masjid. Kapag nakapasok siya sa masjid, siya ay nasa pagdarasal hanggat ang pagdarasal ay pumipigil sa kanya. Ang mga anghel ay dumadalangin ng pagpapala sa isa inyo hanggat siya ay nasa inuupuan niya na pinagdasalan niya. Nagsasabi sila: O Allāh, kaawaan Mo siya; o Allāh, magpatawad Ka sa kanya; o Allāh, tanggapin Mo ang pagbabalik-loob niya hanggat hindi siya namiminsala rito, hanggat hindi nasisira ang wuḍū' niya rito."
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Português සිංහල Svenska ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Tiếng Việt Kiswahili پښتو অসমীয়া دری Кыргызча or Malagasy नेपाली Čeština Oromoo Română Nederlands తెలుగు മലയാളം ไทย Српски Kinyarwanda ಕನ್ನಡ Lietuvių Shqip Wolof Українська ქართული Moore Magyarالشرح
Kapag nagdasal ang tao sa masjid kasama ng kongregasyon, ang dasal na ito ay higit na mainam kaysa sa dasal sa bahay niya o sa palengke niya nang 27 ulit dahil ang dasal kasama sa kongregasyon ay isang pagsasagawa ng inobliga ni Allāh na pagdarasal sa kongregasyon. Pagkatapos ay binanggit niya ang dahilan doon: na ang lalaki kapag nagsagawa ng wuḍū' sa bahay niya at nilubos ang wuḍū', pagkatapos ay lumabas ng bahay niya patungo sa masjid, na walang nagpalabas sa kanya kundi ang pagdarasal, wala siyang hahakbanging hakbang malibang mag-aangat si Allāh para sa kanya dahil dito ng isang antas at mag-aalis sa kanya dahil dito ng isang kasalanan, malapit man ang lugar niya mula sa masjid o malayo. Ito ay isang dakilang kainaman hanggang sa makapasok siya sa masjid. Kapag nakapasok siya sa masjid at dinasal ang itinakda sa kanya, pagkatapos ay naupo siya habang naghihintay ng dasal, tunay na siya ay nasa sandali ng pagdarasal hanggat naghihintay ng dasal. Ito rin ay isang dakilang pagpapala, kahit pa man nanatili kang naghihintay ng pagdarasal sa loob ng mahabang yugto habang ikaw ay nakaupo at hindi nagdarasal matapos mong magdasal ng pagbati sa masjid at ng anumang niloob ni Allāh, tunay na Siya ay bibilang para sa iyo ng gantimpala ng pagdarasal. Ang mga anghel ay dumadalangin para sa kanya hanggat siya ay nasa inuupuan niya na pinagdasalan niya, habang nagsasabi sila: "O Allāh, pagpalain Mo siya; o Allāh magpatawad Ka sa kanya; o Allāh tanggapin Mo ang pagbabalik-loob niya." Ito rin ay isang dakilang kainaman para sa sinumang nagtaglay ng layuning ito at ng mga gawaing ito.