Ang sinumang namatay nang hindi nakibaka at hindi naglayon sa sarili niya ng pakikibaka ay namatay sa isang katangian ng isang pagpapanggap.

Ang sinumang namatay nang hindi nakibaka at hindi naglayon sa sarili niya ng pakikibaka ay namatay sa isang katangian ng isang pagpapanggap.

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang namatay nang hindi nakibaka at hindi naglayon sa sarili niya ng pakikibaka ay namatay sa isang katangian ng isang pagpapanggap."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ang bawat lalaking nakakakayang makibaka, na naabutan ng taning ng buhay at hindi nakibaka at hindi naglayon sa sarili niyon: hindi kinausap ang sarili niya para makibaka. Ang kahulugan ay hindi nagpasyang makibaka. Sa kanya ay may isang bahagi ng pagpapanggap ng pananampalataya. Kabilang sa mga tanda nito sa hayagan ay ang paghahanda ng kasangkapan ng pakikibaka. Nagsabi si Allah (Qur'ān 6:46): "Kung sakaling ninais nila ang paghayo, talagang naghanda na sana sila para roon ng isang paghahanda..." Ang sabi niya: "namatay sa isang katangian ng isang pagpapanggap" ay nangangahulugang: sa isa sa mga uri ng pagpapanggap ng pananampalataya. Nangangahulugan ito: "Namatay siya sa ganito sapagkat nakawangis niya ang mga nagpapanggap ng pananampalataya at ang mga nagpapaiwan sa pakikibaka. Ang sinumang nagpakawangis sa isang pangkat ng mga tao, siya ay kabilang sa kanila. Kaya kinakailangan sa bawat Mananampalataya na maglayon ng pakikibaka."

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Jihād