Walang ṣalāh sa sinumang hindi bumigkas ng Pambungad ng Aklat."}

Walang ṣalāh sa sinumang hindi bumigkas ng Pambungad ng Aklat."}

Ayon kay `Ubādah bin Aṣ-Ṣāmit (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Walang ṣalāh sa sinumang hindi bumigkas ng Pambungad ng Aklat."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang ṣalāh ay hindi natutumpak malibang may pagbigkas ng Sūrah Al-Fātiḥah sapagkat ito ay isang haligi kabilang sa mga haligi ng ṣalāh sa bawat rak`ah.

فوائد الحديث

Hindi naitutumbas sa pagbigkas ng Sūrah Al-Fātiḥah ang iba pa rito kapag may kakayahan sa pagbigkas nito.

Ang kawalang-kabuluhan ng rak`ah na hindi binigkas dito ang Sūrah Al-Fātiḥah sa panig ng nananadya, mangmang, at nakalilimot dahil ito ay isang haligi at ang mga haligi ay hindi naaalis sa pagkatungkulin magpakailanman.

Naaalis sa pagkatungkulin sa ma'mūm ang pagbigkas ng Sūrah Al-Fātiḥah kapag nakaabot siya sa imām habang nakayukod.

التصنيفات

Ang mga Saligan ng Ṣalāh