Alin sa mga tao ang pinakamainam, o Sugo ni Allah

Alin sa mga tao ang pinakamainam, o Sugo ni Allah

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allah sa kanya: "Alin sa mga tao ang pinakamainam, o Sugo ni Allah? Nagsasabi siya: mananampalatayang nakikibaka sa pamamagitan ng sarili niya at yaman niya tungo sa landas ni Allah. Nagsabi ito: Pagkatapos ay sino? Nagsabi siya: pagkatapos ay isang lalaking nagsasarili sa isa sa mga daanan [sa pagitan ng mga bundok], na sumasamba sa Panginoon niya." Sa isang sanaysay: "nangingilag magkasala kay Allah at nagkakait sa mga tao ng kasamaan niya."

[Tumpak] [Napagkaisahan sa katumpakan at ang pananalita ay ayon sa kay Imām Muslim]

الشرح

Tinanong ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kung alin sa mga lalaki ang pinakamainam. Nilinaw niya na siya ay ang lalaking nakikibaka sa landas ni Allah sa pamamagitan ng yaman niya at sarili niya. Sinabi: Pagkatapos ay sino? Nagsabi siya: isang lalaking mananampalataya na nasa isang daanan sa pagitan ng mga bundok, na sumasamba kay Allah at hindi ginagawan ang mga tao ng kasamaan. Ibig sabihin siya nagsasagawa ng pagsamba kay Allah, nagpipigil sa paggawa ng masama sa mga tao, at hindi nagnanais na dumanas ang mga tao ng kasamaan mula sa kanya.

التصنيفات

Ang Etikang Kapuri-puri, Ang Kalamangan ng Jihād