"Iyan ay lalaking umihi ang demonyo sa mga tainga niya," o sinabi niya: "sa tainga niya."

"Iyan ay lalaking umihi ang demonyo sa mga tainga niya," o sinabi niya: "sa tainga niya."

Ayon kay Ibnu Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "May binanggit sa piling ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na isang lalaking natulog sa gabi hanggang sa nag-umaga. Nagsabi siya: Iyan ay lalaking umihi ang demonyo sa mga tainga niya," o sinabi niya: "sa tainga niya."

[Tumpak.] [Napagkaisahan ang katumpakan.]

الشرح

Ang kahulugan ng ḥadīth: Nagsasabi si Ibnu Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya: "May binanggit sa piling ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na isang lalaking natulog sa gabi hanggang sa nag-umaga." Nangangahulugan ito: Nananatili siyang tulog at hindi nagising para magsagawa ng tahajjud hanggang sa sumapit ang madaling-araw. Kaya nagsabi siya: "Iyan ay lalaking umihi ang demonyo sa mga tainga niya." Ito ay ayon sa literal at tunay na kahulugan nito dahil napagtibay na ang demonyo ay kumakain, umiinom, at nag-aasawa kaya walang hadlang na umihi siya. Ito ay sukdulang panghahamak at panlalait sa taong ginawa ng demonyo bilang isang kubeta. Itinangi ang tainga sa pagbanggit, kahit pa man ang mata ay higit na bagay sa pagtulog, bilang pagtukoy sa himbing ng tulog sapagkat tunay na ang mga pandinig ay ang mga pinanggagalingan ng pagkamalay. Itinangi ang ihi dahl ito ay higit na madali sa pagpasok sa mga butas ng katawan at higit na mabilis sa panunuot sa mga ugat kaya naman magbubunsod ito ng katamaran sa lahat ng bahagi ng katawan.

التصنيفات

Ang Pagkatungkulin ng Ṣalāh ang Hatol sa Nagwawaksi Nito