Kami ay nagsasalita sa oras ng pagdadasal,kinakausap ng isang lalaki ang kasamahan nito haban ang nasa tabi niya ay nasa pagdarasal,hanggang sa naipahayag ang: (( At inyong isagawa ang pagdadasal na may pagpapakumbaba kay Allah)) Napag-utusan kami na manahimik at napagbawalan kami sa pagsasalita

Kami ay nagsasalita sa oras ng pagdadasal,kinakausap ng isang lalaki ang kasamahan nito haban ang nasa tabi niya ay nasa pagdarasal,hanggang sa naipahayag ang: (( At inyong isagawa ang pagdadasal na may pagpapakumbaba kay Allah)) Napag-utusan kami na manahimik at napagbawalan kami sa pagsasalita

Ayon kay Zayd bin Arqam-malugod si Allah sa kanya-Siya ay nagsabi:(( Kami ay nagsasalita sa oras ng pagdadasal,kinakausap ng isang lalaki ang kasamahan nito habang ang nasa tabi niya ay nasa pagdarasal,hanggang sa naipahayag ang: (( At inyong isagawa ang pagdadasal na may pagpapakumbaba kay Allah)) Napag-utusan kami na manahimik at napagbawalan kami sa pagsasalita))

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ang pagdadasal ay koneksiyo sa pagitan ng alipin at Panginoon niya,Hindi nararapat na maging abala ang nagdadasal sa [mga bagay na walang kinalaman] sa pananalangin kay Allah,Ipinapahayag ni Zayd bin Arqam malugod si Allah sa kanya-Na ang mga Muslim sa unang gawain nila ay nagsasalita sa oras ng pag-aalay ng dasal,sa abot ng pangangailangan nila sa pagsasalita,Tunay na ang isa sa kanila ay kinaka-usap ang kasamahan niya sa tabi niya tungkol sa pangangailangan niya,At ito ay naririnig ng Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ngunit hindi niya ito ipinagbawal sa kanila, At nang mangyaring ang pag-uusap sa mga likha ay nakakaabala sa pananalangin kay Allah sa oras ng pagdarasal,Ipinag-utos sa kanila ni Allah-Mapagpala Siya at Pagkataas-taas-ang Pangangalaga sa mga Dasal,at Nag-utos Siya sa kanila ng Pananahimik at nagbawal sa kanila ng Pagsasalita, Ipinahayag ni Allah Pagkatas-taas Niya:{ Inyong pangalagaan ang pag-aalay ng Dasal,Lalung-lalo na ang pagdarasal sa Panggitnang panalangin o Panghapong pagdarasal [ Dasal ng Al-`Asr],At inyong isagawa ang Dasal na may pagpapakumbaba kay Allah}Napag-alamn ng mga kasamahan ng Propeta rito ang pagbabawal sa kanila sa pagsasalita sa oras ng pag-aalay ng dasal at tinigilan nila ito,Malugod si Allah sa kanila.

التصنيفات

Ang mga Nagpapawalang-saysay sa Ṣalāh