Ang sinumang [laging] nagdarasal sa dalawang malamig na oras ay papasok sa Paraiso."}

Ang sinumang [laging] nagdarasal sa dalawang malamig na oras ay papasok sa Paraiso."}

Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang [laging] nagdarasal sa dalawang malamig na oras ay papasok sa Paraiso."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Humimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagsisigasig sa pagdarasal sa dalawang malamig na oras, ang ṣalāh sa madaling-araw at hapon. Nagbalita siya ng nakagagalak sa sinumang nagsagawa ng dalawang ito ayon sa karapatan ng dalawang ito na oras, konggregasyon, at iba pa rito, na ang dalawang ito ay magiging isang kadahilanan sa pagpasok sa Paraiso.

فوائد الحديث

Ang kainaman ng pangangalaga sa ṣalāh sa madaling-araw at hapon dahil ang madaling-araw ay nagiging nasa sandali ng kasarapan ng pagtulog at ang hapon naman ay nagiging nasa sandaling pagkaabala ng tao sa trabaho niya. Kaya ang sinumang nangalaga sa dalawang ito, siya ay naging marapat na mangalaga sa nalalabi sa mga ṣalāh.

Tinawag ang ṣalāh sa madaling-araw at hapon bilang dalawang malamig dahil ang ṣalāh sa madaling-araw ay may lamig ng gabi at ang ṣalāh sa hapon ay may lamig ng maghapon. Kahit pa ito ay naging nasa isang oras na mainit, gayon pa man ito ay higit na magaan sa oras bago nito. O ang pagtawag dito ay bahagi ng pagpapanaig ng katawagan sa kapares gaya ng pagsabi sa wikang Arabe ng "dalawag buwan" sa pagtukoy sa araw at buwan.

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Ṣalāh