إعدادات العرض
Maglagay ka ng kamay mo sa nananakit na bahagi ng katawan mo. Magsabi ka ng bismi -llāh (sa ngalan ni Allah) nang makatatlo. Magsabi ka nang pitong ulit ng: A`ūdhu bi-llāhi wa-qudratihi min sharri mā ajidu wa-uḥādhir (Nagpapakupkop ako kay Allah at sa kapangyarihan Niya laban sa kasamaan…
Maglagay ka ng kamay mo sa nananakit na bahagi ng katawan mo. Magsabi ka ng bismi -llāh (sa ngalan ni Allah) nang makatatlo. Magsabi ka nang pitong ulit ng: A`ūdhu bi-llāhi wa-qudratihi min sharri mā ajidu wa-uḥādhir (Nagpapakupkop ako kay Allah at sa kapangyarihan Niya laban sa kasamaan ng nararamdaman ko at pinangingilagan ko)."}
Ayon kay `Uthmān bin Abi Al-`Āṣṣ Ath-Thaqafīy (r): {Siya ay dumaing sa Sugo ni Allah (s) ng isang pananakit na natatagpuan niya sa katawan niya magmula ng umanib siya sa Islam, kaya naman nagsabi sa kanya ang Sugo ni Allah: "Maglagay ka ng kamay mo sa nananakit na bahagi ng katawan mo. Magsabi ka ng bismi -llāh (sa ngalan ni Allah) nang makatatlo. Magsabi ka nang pitong ulit ng: A`ūdhu bi-llāhi wa-qudratihi min sharri mā ajidu wa-uḥādhir (Nagpapakupkop ako kay Allah at sa kapangyarihan Niya laban sa kasamaan ng nararamdaman ko at pinangingilagan ko)."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල Kurdî Português Nederlands অসমীয়া Kiswahili ગુજરાતી پښتو Hausa Română മലയാളം Deutsch नेपाली ქართული Moore Magyar తెలుగు Кыргызча Svenska ಕನ್ನಡ Українська Kinyarwanda Македонски Oromoo ไทย Српски मराठी ਪੰਜਾਬੀ دری አማርኛ Malagasy Wolof ភាសាខ្មែរ Lietuviųالشرح
Dinapuan si `Uthmān bin Abi Al-`Āṣṣ Ath-Thaqafīy (r) ng isang pananakit na halos magpasawi sa kanya kaya pinuntahan siya ng Propeta (s) upang dumalaw sa kanya at magturo sa kanya ng isang panalanging papawiin ni Allah buhat sa kanya ang bumaba sa kanya na karamdaman. Ito ay maglagay siya ng kamay niya sa parte na idinadaing niya, magsabi siya ng: "bismi -llāh (sa ngalan ni Allah)" nang makatatlo, pagkatapos magsabi siya nang pitong ulit na: "A`ūdhu (Nagpapakupkop ako) – dumudulog ako, nangungunyapit, at nagpapamuog ako – "billāhi wa-qudratihi min sharri mā ajidu (kay Allah at sa kapangyarihan Niya laban sa kasamaan ng nararamdaman ko)" – laban sa hapdi sa kasakulukuyang oras – "wa-uḥādhir (at pinangingilagan ko)" – at pinangangambahan kong mangyari sa hinaharap na kalungkutan at pangamba o laban sa pagpapatuloy ng karamdamang ito at pagkalat ng hapdi nito sa katawan.فوائد الحديث
Ang pagsasakaibig-ibig ng pagsasagawa ng ruqyah ng tao sa sarili niya gaya ng nasaad sa hadith.
Ang paghihinaing nang walang panghihinawa at pagtutol ay hindi nakikisalungatan sa pananalig at pagtitiis.
Ang pagdalangin ay kabilang sa kabuuan ng paggawa ng mga kadahilanan. Dahil dito, nararapat ang magpakalimita sa mga pananalita nito at mga bilang nito.
Ang panalanging ito ay ukol sa bawat hapding pambahagi ng katawan.
Ang paglalagay ng kamay sa kinalalagyan ng hapdi sa sandali ng pagsasagawa ng ruqyah sa pamamagitan ng panalanging ito.
التصنيفات
Ang Ruqyah na Pang-Sharī`ah