إعدادات العرض
'Mamalagi ka sa dami ng pagpapatirapa kay Allāh sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagpapatirapa ng isang pagpapatirapa malibang mag-aangat sa iyo si Allāh dahil dito ng isang antas at magbababa Siya buhat sa iyo dahil dito ng isang pagkakamali.'
'Mamalagi ka sa dami ng pagpapatirapa kay Allāh sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagpapatirapa ng isang pagpapatirapa malibang mag-aangat sa iyo si Allāh dahil dito ng isang antas at magbababa Siya buhat sa iyo dahil dito ng isang pagkakamali.'
Ayon kay Ma`dān bin Abī Ṭalḥah Al-Ya`marīy na nagsabi: {Nakatagpo ko si Thawbān na alila ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ako: "Magpabatid ka sa akin ng isang gawaing gagawin ko, na magpapapasok sa akin si Allāh dahil dito sa Paraiso." O nagsabi ako: "Hinggil sa pinakakaibig-ibig sa mga gawain kay Allāh." Nanahimik siya. Pagkatapos tinanong ko siya saka nanahimik siya. Pagkatapos tinanong ko siya sa ikatlong pagkakataon saka nagsabi siya: "Nagtanong ako tungkol doon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya: 'Mamalagi ka sa dami ng pagpapatirapa kay Allāh sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagpapatirapa ng isang pagpapatirapa malibang mag-aangat sa iyo si Allāh dahil dito ng isang antas at magbababa Siya buhat sa iyo dahil dito ng isang pagkakamali.'" Nagsabi si Ma`dān: "Pagkatapos nakatagpo si Abu Ad-Dardā' saka nagtanong ako sa kanya saka nagsabi naman siya sa akin ng tulad sa sinabi sa akin ni Thawbān."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල Hausa Kurdî Kiswahili Português தமிழ் دری অসমীয়া Svenska Yorùbá Кыргызча ગુજરાતી नेपाली Română മലയാളം Nederlands తెలుగు پښتو Soomaali Kinyarwanda ಕನ್ನಡ Српски Moore ქართული Čeština Magyar Українська Македонски Lietuvių Azərbaycan Wolof አማርኛ Malagasy Oromoo ไทย Deutsch मराठी ਪੰਜਾਬੀ ភាសាខ្មែរالشرح
Tinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa gawain na magiging isang kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso o tungkol sa pinakakaibig-ibig sa mga gawain kay Allāh. Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa tagapagtanong: "Manatili ka sa dami ng pagpapatirapa sa ṣalāh sapagkat tunay na ikaw ay hindi nagpatirapa kay Allāh ng isang pagpapatirapa malibang nag-angat Siya sa iyo dahil dito ng isang antas at nagpatawad sa iyo dahil dito ng isang pagkakamali."فوائد الحديث
Hinimok niya ang Muslim sa pagsisigasig sa pagsasagawa ng ṣalāh, tungkulin man o kusang-loob, dahil sa paglalaman nito ng pagpapatirapa.
Ang paglilinaw sa pagkaunawa ng mga Kasamahan at kaalaman nila na ang Paraiso ay hindi natatamo, matapos ng awa ni Allāh, malibang may gawa.
Ang pagpatirapa sa ṣalāh ay kabilang sa pinakadakila sa mga kadahilanan ng pag-angat ng mga antas at pagpapatawad sa mga pagkakasala.
التصنيفات
Ang Kalamangan ng Ṣalāh