إعدادات العرض
Bawat isa sa inyo ay tagapag-alaga saka pinananagot sa alaga niya
Bawat isa sa inyo ay tagapag-alaga saka pinananagot sa alaga niya
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Bawat isa sa inyo ay tagapag-alaga saka pinananagot sa alaga niya. Ang pinuno sa mga tao ay tagapag-alaga at siya ay pinananagot sa kanila. Ang lalaki ay tagapag-alaga sa sambahayan niya at siya ay pinananagot sa kanila. Ang babae ay tagapag-alaga sa bahay ng asawa niya at anak nito at siya ay pinananagot sa kanila. Ang alipin ay tagapag-alaga sa ari-arian ng pinapanginoon niya at siya ay pinananagot dito. Pansinin, bawat isa sa inyo ay tagapag-alaga at bawat isa sa inyo ay pinananagot sa alaga niya."}
الترجمة
العربية Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Português සිංහල Русский Svenska ગુજરાતી Yorùbá Tiếng Việt Kiswahili پښتو অসমীয়া دری Кыргызча or नेपाली Čeština Română Nederlands Soomaali తెలుగు മലയാളം Српски Kinyarwanda ಕನ್ನಡ Lietuvių Wolof Українська ქართული Magyar Moore Shqip Македонски Azərbaycan አማርኛ Malagasy Oromoo বাংলা ไทย Deutsch मराठी ਪੰਜਾਬੀ O‘zbek Italiano ភាសាខ្មែរالشرح
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sa bawat Muslim sa lipunan ay may pananagutang aalagaan niya at papasanin niya. Ang tagapanguna o ang pinuno ay tagapag-alaga sa pinaalagaan sa kanya ni Allāh kaya kailangan sa kanya ang mag-ingat sa mga batas nila, ang magsanggalang sa kanila laban sa nang-api sa kanila, ang makibaka sa kaaway nila, at ang hindi magwala sa mga karapatan nila. Ang lalaki sa sambahayan niya ay naatangan ng pag-aaruga sa kanila sa pamamagitan ng paggugol, kagandahan ng pakikisama, pagtuturo sa kanila, at pagdisiplina sa kanila. Ang babae sa bahay ng asawa niya ay tagapag-alaga sa pamamagitan ng kagandahan ng pangangasiwa sa bahay nito at pagpapalaki sa mga anak nito. Siya ay pinananagot doon. Ang tagapaglingkod na minamay-ari o inuupahan ay pinananagot sa ari-arian ng amo niya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pag-iingat sa anumang nasa kamay niya mula sa amo at paglilingkod dito. Siya ay pinananagot doon. Kaya ang bawat isa ay tagapag-alaga sa pinaalagaan sa kanya at ang bawat isa ay pinananagot sa alaga niya.فوائد الحديث
Ang pananagutan sa lipunang Muslim ay pangkalahatan. Ang bawat isa ay pinananagot ayon sa kaangkupan niya, kakayahan niya, at pananagutan niya.
Ang bigat ng pananagutan ng babae. Iyon ay sa pamamagitan ng pagtataguyod sa karapatan ng bahay ng asawa niya at mga tungkulin niya tungo sa mga anak niya.