إعدادات العرض
Ito ay ang naipandadalisay ang tubig nito, ang ipinahihintulot ang patay nito.
Ito ay ang naipandadalisay ang tubig nito, ang ipinahihintulot ang patay nito.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: May nagtanong na isang lalaki sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na kami ay sumasakay sa [sasakyang] dagat at nagdadala ng kaunting tubig. Kaya kung magsasagawa kami ng wuḍū' gamit ito, mauuhaw kami. Magsasagawa po ba kami ng wuḍū' gamit ang tubig ng dagat?" Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ito ay ang naipandadalisay ang tubig nito, ang ipinahihintulot ang patay nito."
[Tumpak] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Isinaysay ito ni Imām Mālik - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt Kurdî Português සිංහල Nederlands অসমীয়া Kiswahili ગુજરાતી አማርኛ پښتو ไทย Hausa Română മലയാളം Deutschالشرح
Nililinaw ng Sugo, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagkadalisay ng tubig ng dagat, ang pagpapahintulot sa pagdadalisay mula rito, at ang pagkaipinahihintulot ng anumang namatay rito na kabilang sa mga hayop nito gaya ng mga isda at iba pa. Minḥah Al-`Allām 1/28 at Tawḍīḥ Al-Aḥkām 1/116.التصنيفات
Ang mga Patakaran ng Tubig