إعدادات العرض
Ipinagbawal ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagtitinda ng pilak kapalit ng pilak, at ng ginto kapalit ng ginto malibang kapantay kapalit ng kapantay. Ipinag-utos niya sa amin na bumili kami ng pilak kapalit ng ginto papaano man namin loobin at bumili ng ginto kapalit…
Ipinagbawal ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagtitinda ng pilak kapalit ng pilak, at ng ginto kapalit ng ginto malibang kapantay kapalit ng kapantay. Ipinag-utos niya sa amin na bumili kami ng pilak kapalit ng ginto papaano man namin loobin at bumili ng ginto kapalit ng pilak papaano man namin loobin.
Ayon kay Abū Bakrah Nufay` bin Al-Ḥārith Ath-Thaqafīy, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Ipinagbawal ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagtitinda ng pilak kapalit ng pilak, at ng ginto kapalit ng ginto malibang kapantay kapalit ng kapantay. Ipinag-utos niya sa amin na bumili kami ng pilak kapalit ng ginto papaano man namin loobin at bumili ng ginto kapalit ng pilak papaano man namin loobin." May nagsabi: "Kaya tinanong siya ng isang lalaki at nagsabi: Abutan? Nagsabi siya: Gayon ang narinig ko."
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdî සිංහලالشرح
Yayamang ang pagtitinda ng ginto kapalit ng ginto at ng pilak kapalit ng pilak habang nagkakaibahan sa timbang ay patubo, ipinagbawal niya ang bilihang hindi magkapantay ang timbang ng pambili sa timbang ng binili. Ang pagtitinda naman ng ginto kapalit ng pilak o ng pilak kapalit ng ginto ay walang masama kahit pa nagkakaibahan sa timbang alinsunod sa kundisyong kinakailangan sa katumpakan ng pagtitindang iyon ang abutan sa lugar ng transaksiyon - at kung hindi ito ay magiging ipinagbabawal na patubong nasī'ah - dahil tunay na kapag nagkaiba ang uri ay ipinahihintulot ang pagkakaibahan ng timbang ngunit nananatili ang kundisyon ng abutan ng paninda at bayad dahil sa ikadadahilan ng patubong nag-uugnay sa mga ito.التصنيفات
Ang Interes