إعدادات العرض
Kapag nagsagawa ng wudu ang isa sa inyo at nagsuot siya ng khuff niya, magdasal siya nang nakasuot nito at magpahid siya sa ibabaw nito, pagkatapos maghubad siya nito kung niloob niya, malibang dahil sa janābah."}
Kapag nagsagawa ng wudu ang isa sa inyo at nagsuot siya ng khuff niya, magdasal siya nang nakasuot nito at magpahid siya sa ibabaw nito, pagkatapos maghubad siya nito kung niloob niya, malibang dahil sa janābah."}
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (pagpalain siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) ay nagsabi: "Kapag nagsagawa ng wudu ang isa sa inyo at nagsuot siya ng khuff niya, magdasal siya nang nakasuot nito at magpahid siya sa ibabaw nito, pagkatapos maghubad siya nito kung niloob niya, malibang dahil sa janābah."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Português සිංහල Nederlands অসমীয়া Kiswahili ગુજરાતી پښتو Română മലയാളം Deutsch ქართული नेपाली Magyar Moore తెలుగు Svenska Кыргызча ಕನ್ನಡ Українська Kinyarwanda Oromoo Македонски ไทย Српски मराठी ਪੰਜਾਬੀ دری አማርኛ Malagasy Wolof ភាសាខ្មែរ Lietuviųالشرح
Naglilinaw ang Propeta (s) na kapag nagsuot ang Muslim ng khuff niya matapos na nagsagawa siya ng wudu, pagkatapos nawalang-bisa ito matapos niyon at nagnais siya na magsagawa ng wudu, ukol sa kanya ang magpahid dito kung nagnais siya niyon. Magdasal siya nang nakasuot nito at huwag siyang maghubad nito sa isang yugtong nalalaman; malibang kapag junub siya, kakailanganin sa kanya ang maghubad ng khuff at ang maligo.فوائد الحديث
Hindi pinapayagan ang pagpahid sa khuff malibang kapag isinuot ito matapos ng pagkalubos ng pagdalisay.
Ang yugto ng pagpahid para sa residente ay hanggang sa isang araw at isang gabi, at para sa manlalakbay ay hanggang sa tatlong araw kasama ng mga gabi nito.
Ang pagpahid sa khuff ay natatangi sa maliit na ḥadath hindi sa malaking ḥadath. Hinggil sa malaking ḥadath, hindi pinapayagan ang pagpahid dito; bagkus kailangan na maghubad ng khuff at maghugas ng dalawang paa.
Isinakaibig-ibig ang pagsasagawa ng salah habang nakasuot ng sapatos, khuff, at tulad ng mga ito bilang pakikipagsalungatan sa mga Hudyo. Iyon ay kapag nasa ṭahārah at wala ritong perhuwisyo para sa mga tagapagsagawa ng salah o para sa masjid tulad ng mga masjid na nalatagan ng karpet sapagkat hindi magdarasal habang suot ito.
Ang pagpahid sa khuff ay may pagpapaginhawa at pagpapadali sa Kalipunang ito ng Islam.