إعدادات العرض
Nakita mo ba kapag ako ay napatay sa landas ng Allah, mabubura sa akin ang aking mga kasalanan? sabi ng Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Oo, at ikaw ay matimpihin at dalisay, sumusulong hindi umaatras, maliban sa utang; dahil si Jibreel -Sumakanya ang pangangalaga- sinabi niya…
Nakita mo ba kapag ako ay napatay sa landas ng Allah, mabubura sa akin ang aking mga kasalanan? sabi ng Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Oo, at ikaw ay matimpihin at dalisay, sumusulong hindi umaatras, maliban sa utang; dahil si Jibreel -Sumakanya ang pangangalaga- sinabi niya sa akin iyon.
Mula kay Abū Qatādah Al-Ḥārith bin Rib`īy -Malugod ang Allah sa kanya- mula sa Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- : Katotohanan na Siya ay tumayo sa kanila, at binanggit sa kanila na ang Jihad sa landas ng Allah, at pananampalataya sa Allah ay pinakainam na gawain, at biglang tumayo ang isang lalaki, at sabi: O Sugo ni Allah, sa tingin mo ba kapag ako ay napatay sa landas ng Allah, mabubura sa akin ang aking mga kasalanan? sabi ng Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: ((Oo, kapag ikaw ay napatay sa landas ng Allah at ikaw ay matimpihin at madalisay, sumusulong hindi umaatras)) Pagkatapos sabi ng Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: ((Papaano o ano ang sabi mo?)) Sabi niya: Nakita mo ba kapag ako ay napatay sa landas ng Allah, mabubura sa akin ang aking mga kasalanan? sabi ng Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: ((Oo, at ikaw ay matimpihin at madalisay, sumusulong hindi umaatras, maliban sa utang; dahil si Jibreel -Sumakanya ang pangangalaga- sinabi niya sa akin iyon)).
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Kurdî Kiswahili Português සිංහලالشرح
Tumayo ang Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa mga kasamahan niya na nagsalita, at binanggit sa kanila na ang Jihad (pakikibaka) para maiangat ang salita ng Allah at ang pananampalataya sa Allah ay pinakamainam na gawain, bigla tumayo ang isang lalaki at tinanong ang Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Sa tingin Mo kapag ako ay napatay para maiangat ang salita ng Allah papatawarin ba ang mga kasalanan ko? Sabi ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Oo, pero sa isang kondisyon na kapag mapatay ka na nagtitimpi nagtitiis sa mga dumating sa iyo, dalisay sa dakilang Allah, hindi umaalis sa plasa ng Jihad, pagkatapos isinambit ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ang isang bagay na siya ay utang, nagbabala na ang Jihad at Pagmamartir ay hindi mabubura ang mga karapatan ng mga tao.التصنيفات
Ang Kalamangan ng Jihād