O mga tao, magpalaganap kayo ng kapayapaan, makipag-ugnayan kayo sa mga kaanak, magpakain kayo ng pagkain, at magdasal kayo sa gabi habang ang mga tao ay tulog, papasok kayo Paraiso nang may kapayapaan.

O mga tao, magpalaganap kayo ng kapayapaan, makipag-ugnayan kayo sa mga kaanak, magpakain kayo ng pagkain, at magdasal kayo sa gabi habang ang mga tao ay tulog, papasok kayo Paraiso nang may kapayapaan.

Ayon kay `Abdullāh bin Salām, malugod si Allah sa kanya: "O mga tao, magpalaganap kayo ng kapayapaan, makipag-ugnayan kayo sa mga kaanak, magpakain kayo ng pagkain, at magdasal kayo sa gabi habang ang mga tao ay tulog, papasok kayo Paraiso nang may kapayapaan."

[Tumpak.] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah]

الشرح

Sa ḥadīth ay nasaad ang paghimok at ang pagtawag-pansin sa apat na kagalingang kapuri-puri at katangiang maganda, na ang sinumang nagtaglay ng mga ito ay papasok sa Paraiso nang may kapayapaan. Ang mga katangiang ito ay ang sumusunod: ang pagpapalaganap ng kapayapaan, ang pakikipag-ugnayan sa mga kaanak, ang pagbibigay ng pagkain, at ang pagdarasal sa gabi habang ang mga tao ay tulog. Ang "magpalaganap kayo ng kapayapaan" ay nangangahulugang palitawin ninyo, ipahayag ninyo, at dalasan ninyo ang pagbati ng kapayapaan. Ang "magpakain kayo ng pagkain" ay nauukol sa sinumang nangangailangan nito gaya ng mag-anak mo na kinabibilangan ng mga maybahay at mga anak: lalaki man o babae, at ng sinumang nasa bahay mo. Kapag bumangon ang tao sa gabi para kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, upang magdasal ng tahajjud, napalalapit siya kay Allah sa pamamagitan ng pananalita niya at sa pamamagitan ng taimtim na panalangin sa harap ni Allah habang ang mga tao ay natutulog. Ito ay kabilang sa pinakamainam sa mga gawaing nakapagpapasok sa tao sa Paraiso nang may kapayapaan, nang walang kaparusahan, at walang pagdurusa.

التصنيفات

Ang Qiyāmullayl, Ang mga Kainaman ng mga Gawang Maayos