Ang Qiyāmullayl
7- Ayon kay Abe Salamah bin`Abdurrahman,Na sinabi niya ,na tunay na tinanong niya si `Aishah-malugod si Allah sa kanya-Kung papaano magdasal ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa buwan ng Ramadhan? Nagsabi siya;(( Hindi nagdaragdag ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa Buwan ng Ramadhan at hindi sa iba nito,nang labing-isang tindig,nagdarasal siya ng apatang (tindig),huwag mong itanong ang kagandahan nito at haba nito,pagkatapos ay nagdarasal siya ng apatang (tindig),huwag mong itanong ang kagandahan nito at haba nito,pagkatapos ay nagdarasal siya ng tatlong tindig,Nagsabi si `Aishah: Sinabi ko,O Sugo ni Allah,natutulog kaba bago ka magdasal ng Witr? Nagsabi siya:( O `Aishah,tunay na ang dalawang mata ko ay natutulog,ngunit hindi natutulog ang Puso ko)) Saheh Al-Bukharie
17- ...Allāhumma laka aslamtu, wa bika āmantu, wa `alayka tawakkaltu, wa ilayka khāṣamtu, wa bika ḥākamtu, fa-ghfir lī mā qaddamtu, wa mā akhkhartu, wa asrartu, wa a`lantu, wa mā anta a`lamu bihi minnī; lā ilāha illā anta (...o Allāh, sa Iyo ako nagpasakop, sa Iyo ako sumampalataya, sa Iyo ako nanalig, dahil sa Iyo ako nakipagtalo, at sa Iyo ako nagpahatol, kaya magpatawad Ka sa akin sa anumang [kasalanang] naunang nagawa ko, anumang [kasalanang] nahuling nagawa ko, inilihim ko, inihayag ko, at anumang Ikaw ay higit na nakaaalam hinggil doon kaysa sa akin; walang Diyos kundi Ikaw)."