إعدادات العرض
ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay [matagal] nagdarasal noon sa gabi hanggang sa nagkabitak-bitak ang mga paa niya kaya nagsabi ako sa kanya: "Bakit mo ginagawa ito, o Sugo ni Allah, gayong nagpatawad na si Allah sa iyo sa nauna sa pagkakasala mo at nahuli?" Nagsabi siya: "Kaya…
ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay [matagal] nagdarasal noon sa gabi hanggang sa nagkabitak-bitak ang mga paa niya kaya nagsabi ako sa kanya: "Bakit mo ginagawa ito, o Sugo ni Allah, gayong nagpatawad na si Allah sa iyo sa nauna sa pagkakasala mo at nahuli?" Nagsabi siya: "Kaya hindi ko ba iibiging ako ay maging isang lingkod na mapagpasalamat?"
Ayon kina `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, at Al-Mughīrah bin Shu`bah, malugod si Allāh sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay [matagal] nagdarasal noon sa gabi hanggang sa nagkabitak-bitak ang mga paa niya kaya nagsabi ako sa kanya: "Bakit mo ginagawa ito, o Sugo ni Allah, gayong nagpatawad na si Allah sa iyo sa nauna sa pagkakasala mo at nahuli?" Nagsabi siya: "Kaya hindi ko ba iibiging ako ay maging isang lingkod na mapagpasalamat?"
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Kurdîالشرح
Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagdarasal noon ng [mahabang] tahajjud sa gabi hanggang sa nagkabitak-bitak ang mga paa niya kaya nagsabi sa kanya si `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya, sa pag-aakalang sumasamba lamang siya kay Allah dahil sa pangamba sa pagkakasala at paghingi ng kapatawaran at awa gayong naisakatuparan na para sa kanya ang pagpapatawad ni Allah, pagkataas-taas Niya, kaya naman hindi na siya nangangailangan niyon: "Bakit mo ginagawa ito, o Sugo ni Allah, gayong nagpatawad na sa iyo si Allah sa nauna sa pagkakasala mo at nahuli?" Nagsabi siya rito: "Kaya hindi pa ba ako magiging isang lingkod na mapagpasalamat sapagkat ang pagsambang ito, ang dahilan nito ay ang pagpapasalamat sa kapatawaran."التصنيفات
Ang Qiyāmullayl