Katotohanan si Allah Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan ay nagdagdag sa inyo ng Pagdarasal,magdasal kayo rito sa pagitan ng dasal ng 'Eishah hanggang sa dasal ng Subh,ang Dasal na Witr,

Katotohanan si Allah Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan ay nagdagdag sa inyo ng Pagdarasal,magdasal kayo rito sa pagitan ng dasal ng 'Eishah hanggang sa dasal ng Subh,ang Dasal na Witr,

Ayon kay Abē Tamēm Al-Jayshānī,Nagsabi siya:Narinig ko si 'Amer bin Al-Ās nagsabi siya: Sinabi sa akin ng isang lalaki muka sa kasamahan ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na nagsabi:Katotohanang ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagsabi: (( Katotohanan si Allah Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan ay nagdagdag sa inyo ng Pagdarasal,magdasal kayo rito sa pagitan ng dasal ng 'Eishah hanggang sa dasal ng Subh,ang Dasal na Witr, ang dasal na Witr)).Hindi ba't tunay na ito si Abū Basrah Al-Gafārīy, Nagsabi si Abū Tamīm:Ako at si Abū Dharr ay naka-upo,Nagsabi siya: Kinuha niya ang kamay ni Abu Dharr,pumunta kami kay Abē Basrah,at natagpuan namin Siya sa may pintuan na sumusunod sa bahay ni 'Amr bin Al-'Ās,Nagsabi si Abu Dharr: O Abā Basrah, Narinig mo ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na nagsasabi:((Katotohanan si Allah kamahal -mahalan Siya at Kapita-pitagan ay nagdagdag sa inyo ng Pagdarasal,Magdasal kayo rito sa pagitan ng dasal ng 'Eishah at dasal ng Subh, Ang dasal na Witr, ang dasal na Witr?)) Nagsabi siya:Oo, Nagsabi siya: Ikaw narinig moba siya? Nagsabi siya:Oo,Nagsabi siya: Ikaw, Narinig moba Siya? Nagsabi siya:Oo.

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Ang Kahulugan ng Hadith: "Katotohanang si Allah Kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, Ay nagdagdag sa into ng dasal"Ang kahulugan:Katotohanan si Allah-Pagkataas -taas Niya ay nagdagdag sa kanila ng dasal,Hindi nila ito naidasal noon sa ganitong kilos at larawan,at ito ang Dasal na Witr, at ito ay naisalaysay sa pamamaraan ng pasasalamat,at para bang Nagsabi siya: Katotohanan si Allah ay nag-obliga sa inyo ng limang beses na dasal upang bayaran kayo dito at gantimpalaan rito,at Hindi pa naging sapat dito,Ipinag-utos pa sa inyo Ang pagdasal sa Gabi at Witr,upang madagdagan kayo ng mabuti sa kabutihan," magdasal kayo nito" at ito ay pag-uutos, at ang nararapat sa utos ay ang pag-obliga,Ngunit ang Hadith na ito at ang iba pa nito na mga Hadith na kung saan ang hayag dito ay pagiging obliga sa dasal na Witr;Ngunit ito napalitan dahil sa mga patunay na hayag at tumpak.Pagkatapos ay isinalaysay ang pagtatakda sa oras ng dasal na Witr sa kanyang panahon:" Ito ay sa pagitan ng dasal na 'Eishah hanggang sa dasal na Subh"Ibig sabihin na ang oras ng dasal na Witr ay papasok pagkatapos ng dasal ng 'Eisha,Kapag ipinagdasal ang 'Eisha, pumasok narin Ang oras ng dasal na Witr,kahit pinagsama ito sa Maghrib ng Pagsasamang Pinag-una, at Ang pinakahuling oras nito ay sa pagsikat ng Fajr, at kapag sumikat ang Fajr,Mawawala din ang oras ng dasal na Witr,kahit pa dito ito nagtatapos.Pagkatapos ay sinabi ni `Umar bin Al-As malugod si Allah sa kanya-:"Hindi ba't tunay na ito si Abū Basrah Al-Gafārīy" Ibig sabihin ay: Tunay na ang nagsabi kay `Amr bin Al-As ay si:Abu Basrah Al-Gafari-malugod si Allah sa kanya."Nagsabi si Abū Tamīm:Ako at si Abū Dharr ay naka-upo,Nagsabi siya: Kinuha niya ang dalawang kamay ni Abu Dharr,pumunta kami kay Abē Basrah,at natagpuan namin Siya sa may pintuan na sumusunod sa bahay ni 'Amr bin Al-'Ās," Ibig sabihin ay:Pagkatapos niyang iparating sa kanilang dalawa ang balita buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Ninais niyang suguraduhin ang pagkatumpak nito,kaya`t pumunta silang dalawa kay Abe Basrah-malugod si Allah sa kanya-at nang dumating sila kay Abe Basrah-malugod si Allah sa kanya-tinanong siya ni Abe Dharr tungkol sa pagkatumpak nang ibinalita niya buhat sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-;" Nagsabi siya: Oo,Nagsabi siya: Narinig moba ito?Nagsabi siya: Oo,Nagsabi siya: Narinig moba ito?Nagsabi siya: Oo" Sinigurado niya sa kanilang dalawa na ang naibalita buhat sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:" Katotohanan na si Allah ay nagdagdag sa inyo ng dasal" ay tumpak.

التصنيفات

Ang Qiyāmullayl