Kapag nagdasal ang isa sa inyo sa gabi at bumigat ang pagbigkas ng Qur'ān sa dila niya kaya hindi niya nalaman ang sinasabi niya, matulog muna siya.

Kapag nagdasal ang isa sa inyo sa gabi at bumigat ang pagbigkas ng Qur'ān sa dila niya kaya hindi niya nalaman ang sinasabi niya, matulog muna siya.

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kapag nagdasal ang isa sa inyo sa gabi at bumigat ang pagbigkas ng Qur'ān sa dila niya kaya hindi niya nalaman ang sinasabi niya, matulog muna siya."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ang kahulugan ng ḥadīth: Kapag ang tao ay nasa pagdarasal at mahirap sa kanya ang pagbigkas ng Qur'ān dahil sa pananaig ng antok sa kanya hanggang sa nangyaring hindi na niya nalalaman ang sinasabi niya ay matulog muna siya hanggang sa mawala sa kanya ang antok upang hindi niya mabago at mapalitan ang salita ni Allāh. Marahil siya ay makapagsabi pa ng hindi ipinahihintulot gaya ng pagbaliktad sa mga kahulugan ng Qur'ān at paglilihis sa mga salita nito. Baka pa dumalangin siya laban sa sarili niya. Nasaad sa Ṣaḥīh Al-Bukhārīy ayon kay Anas, malugod si Allāh sa kanya: "Kapag inantok ang isa sa inyo sa dasal ay matulog siya upang malaman niya ang binibigkas niya."

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Islām at ang mga Kagandahan Nito, Ang Qiyāmullayl