Walang dalawang beses na pagdarasal ng Witr sa isang gabi.

Walang dalawang beses na pagdarasal ng Witr sa isang gabi.

Ayon kay Qays bn Talaq,Nagsabi siya: Binisita kami ni Talq anak ni Ali sa isang araw sa buwan ng Ramadhan,at nagpagabi sila sa amin at kumain [Iftar], Pagkatapos ay tumindig siya sa amin ng pagdarasal sa gabi,at nagdasal sa amin ng Witr,Pagkatapos ay bumaba siya sa Masjid niya,Nagdasal siya sa mga kasamahan niya,Hanggang sa ang natira ay dasal na Witr [lamang],Nanguna ang isang lalaki at Nagsabi siya :Ipagdasal mo ng Witr ang mga kasamahan mo,Dahil narinig ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na nagsasabi:((Walang dalawang beses na pagdarasal ng Witr sa isang gabi.))

[Tumpak] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Ipinapahayag sa atin ng isang marangal na kasamahan ng Propeta si Talq bin `Alīy , malugod si Allāh sa kanya.sa marangal na Hadith mula sa mga gawain niya,Na siya ay nagdasal ng Witr sa unang gabi sa pamilya niya,pagkatapos ay nagdasal siya para sa mga tao niya at hindi siya nagsagawa ng Witr,ngunit pina-una niya ang iba sa kanya sa dasal na Witr,at ito dahil sa narinig niya ang pagbabawal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,sa pagdasal ng tao ng Witr ng dalawang beses sa isang gabi.

التصنيفات

Ang mga Kamalian ng mga Nagdarasal, Ang Qiyāmullayl