Kapag inantok ang isa sa inyo habang siya ay nagdarasal, humiga siya hanggang sa maalis sa kanya ang antok

Kapag inantok ang isa sa inyo habang siya ay nagdarasal, humiga siya hanggang sa maalis sa kanya ang antok

Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allah sa kanya: "Kapag inantok ang isa sa inyo habang siya ay nagdarasal, humiga siya hanggang sa maalis sa kanya ang antok sapagkat tunay na ang sinuman sa inyo kapag nagdarasal habang siya ay inaantok ay hindi nalalaman: marahil siya ay nagnanais humingi ng tawad ngunit nalalait niya ang sarili niya."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ang paksa ng ḥadīth ay ang pagkasuklam sa pagpagod sa sarili sa pagsamba. Kaya kapag nakadama ang nagdarasal ng pagsisimula ng pananaig ng antok habang siya ay nagdarasal, putulin niya ang pagdarasal niya o lubusin niya ito. Pagkatapos ay hihiga siya at ipapahinga ang sarili niya upang hindi mamutawi sa kanya ang panalangin laban sa sarili niya sa sandali ng kapaguran niya.

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Islām at ang mga Kagandahan Nito, Ang Qiyāmullayl