إعدادات العرض
Nagdasal sa amin ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Buwan ng Ramadhan ng walong Tindig at [dasal] na Witr,At nang dumating ang sumunod nito,nagtipon kami sa Masjid at hiniling namin na lumabas siya sa amin,ngunit hindi siya dumating sa Masjid hanggang sa inumagahan kami
Nagdasal sa amin ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Buwan ng Ramadhan ng walong Tindig at [dasal] na Witr,At nang dumating ang sumunod nito,nagtipon kami sa Masjid at hiniling namin na lumabas siya sa amin,ngunit hindi siya dumating sa Masjid hanggang sa inumagahan kami
Ayon kay Jābir bin `Abdullāh, malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nagdasal sa amin ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Buwan ng Ramadhan ng walong Tindig at [dasal] na Witr,At nang dumating ang sumunod nito,nagtipon kami sa Masjid at hiniling namin na lumabas siya sa amin,ngunit hindi siya dumating sa Masjid hanggang sa inumagahan kami,Kayat pumasok kami sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi kami sa kanya-Hiniling namin na lumabas ka sa amin at magdasal ka sa amin:Nagsabi siya: (( Natakot ako na maging obligado sa inyo ang Dasal na Witr))
[Maganda] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Khuzaymah]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو हिन्दी 中文 Tiếng Việt ئۇيغۇرچە Kurdîالشرح
Ang kahulugan ng Hadith: "Nagdasal sa amin ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Buwan ng Ramadhan ng walong Tindig at [dasal] na Witr"Ibig sabihin:Nagdasal sa amin ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan at ang mga ksamahan niya sa Masjid ng walong tindig at dasal na Witr at ito ay naganap sa [buwan] ng Ramadhan."At nang dumating ang sumunod nito," ibig sabihin ay sa sumunod nito na gabi."nagtipon kami sa Masjid" ibig sabihin ay: Dumalo ang mga kasamahan ng Propeta malugod si Allah sa kanila-at inakala nila na Ang Propeta pagpalain siya ni Allah at panagalagaan- ay lalabas at magdadasal sa kanila tulad ng naunang gabi,kaya`t nasabi nila:"at hiniling namin na lumabas siya sa amin" ibig sabihin ay: lumabas siya sa kanila at magdasal sa kanila ng dasal na gabi."ngunit hindi siya dumating sa Masjid hanggang sa inumagahan kami"Ibig sabihin ay: Sila ay naghintay sa kanya sa loob ng Masjid hanggang sa sumikat sa kanila ang bukang liwayway."Kayat pumasok kami sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan" ibig sabihin ay :Dumating sila sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-upang itanong nila sa kanya ang dahilan nang hindi niya pagpunta upang makapagdasal sa kanila."Nagsabi kami sa kanya-Hiniling namin na lumabas ka sa amin at magdasal ka sa amin" ibig sabihin ay: Hinangad namin at pinangarap namin ang paglabas mo,upang maipagdasal mo kami,tulad ng [ginawa mo noong] nakaraang gabi."Natakot ako na maging obligado sa inyo ang Dasal na Witr" Ipinaliwanag ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ang dahilan ng hindi niya paglabas sa kanila,Na siya ay natakot na maging obligado ang dasal na Witr,At sa isang salaysay:" Natakot ako na maging obligado ito sa inyo"at sa isang pananalita:" Natakot ako na maging obligado sa inyo dasal na gabi" At ito ang naging dahilan kung bakit ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nahadlangan sa paglabas sa kanila,at ito ay kabilang sa habag niya sa kanyang Ummah,at awa niya sa kanila-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At tunay na inilarawan siya ng Allah sa pagkasabi niya: {Katotohanang may dumatal sa inyo na isang Sugo [Muhammad] mula sa inyong lipon,Nakakapagpalumbay sa kanya ang inyong dinaranas,Siya ay nagmamalasakit sa para inyo,at siya sa mga sumasampalataya ay mabait at maunawain } [Attawbah;128],At ang orihinal sa Hadith ay mula sa Sahehayn mula sa Hadith ni `Aishah malugod si Allah sa kanya- Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay lumabas sa isang gabi sa [oras] ng hating gabi,Nagdasal siya sa Masjid,At nagdasal din ang [ilang]kalalakihan sa dasal niya,[hanggang sa] sumapit ang umaga sa mga tao,at nag-uusap-usap sila,Nagtipon-tipon pa ang karamihan sa kanila,at nagdasal [ na naman] kasama niya,[hanggang sa] sumapit ang umaga sa mga tao,at nag-uusap-usap sila,Hanggang sa dumami ang mga tao sa Masjid sa ikatlong gabi,Lumabas ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At nagdasal siya sa dasal niya,At nang [dumating] ang ika-apat na gabi,Hindi na siya pumunta sa Masjid para sa pamilya niya,Hanggang sa lumabas siya upang magdasal ng Subh,At nang matapos ang dasal na Fajr,Lumapit siya sa mga tao,At Nagsaksi siya [ Na walang ibang Diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah] pagkatapos ay nagsabi siya:((Hanggang sa sinabi niya- kaawaan siya ni Allah),Katotohanan na hindi naikukubli sa akin ang inyong kalagayan,Ngunit natatakot ako [na ito ay maging] obligado sa inyo,at wala kayong kakayahang gampanan ang mga ito))التصنيفات
Ang Qiyāmullayl