Nagtanong ang isang lalaki sa Propeta (s) habang siya ay nasa pulpito: "Ano po sa tingin mo ang salah sa gabi?" Nagsabi siya: "Dala-dalawahang [rak`ah];

Nagtanong ang isang lalaki sa Propeta (s) habang siya ay nasa pulpito: "Ano po sa tingin mo ang salah sa gabi?" Nagsabi siya: "Dala-dalawahang [rak`ah];

Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): Nagtanong ang isang lalaki sa Propeta (s) habang siya ay nasa pulpito: "Ano po sa tingin mo ang salah sa gabi?" Nagsabi siya: "Dala-dalawahang [rak`ah]; ngunit kapag natakot siya na umabot sa madaling-araw, magdarasal siya ng iisang rak`ah saka magiging witr para sa kanya ang dinasal niya." Tunay na siya noon ay nagsasabi: "Gawin ninyo ang kahuli-hulihan sa salah ninyo bilang witr. Tunay na ang Propeta (s) ay nag-utos nito.}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagtanong ang isang lalaki sa Propeta (s) habang siya ay nagtatalumpati sa ibabaw ng pulpito: "O Sugo ni Allah, nagturo ka sa akin kung papaano akong magsasagawa ng kusang-loob na salah sa gabi?" Nagsabi naman siya: "Magsasagawakangsalah at magsasagawa ka ng taslim sa bawat dalawang rak`ah; ngunit kapag nangamba ka na umabot sa pagsapit ng madaling-araw, magdasal ka ng isang rak`ah na magiging witr para sa iyo ang dinasal niya." Tunay na siya noon (s) ay nagtatagubilin na gawin ang kahuli-hulihan sa salah sa gabi bilang witr.

فوائد الحديث

Ang batayang panuntunan sa pagsasagawa ng kusang-loob na salah sa gabi ay na magsagawa ng taslim sa bawat dalawang rak`ah sa hindi witr.

Ang kusang-loob na salah sa gabi ay hindi nalilimitahan ng bilang ng rak`ah dahil sa pagkawalang-pasubali ng pagkakasambit.

Nagsabi si An-Nawawīy: "ang salah sa gabi ... dala-dalawahang [rak`ah]" Ang hadith na ito ay itinutukoy sa paglilinaw ng pinakamainam. Ito ay magsagawa ng taslim sa bawat dalawang rak`ah. Maging sa mga kinukusang-loob sa gabi at maghapon, isinasakaibig-ibig na magsagawa siya ng taslim sa bawat dalawang rak`ah.

Nagsabi si An-Nawawīy: Dito ay may patunay na ang Sunnah ay gumawa sa witr na kahuli-hulihan sa kusang-loob na salah sa gabi at na ang oras nito ay lumalabas sa pagsapit ng madaling-araw. Ito ang tumanyag sa doktrina natin at nagsabi nito ang mayoriya ng mga maalam.

التصنيفات

Ang Qiyāmullayl