إعدادات العرض
Ahem, manatili kayo sa nakakaya ninyo; sapagkat sumpa man kay Allah, hindi nanghihinawa si Allah hanggang sa manghinawa kayo. Ang pinakakaibig-ibig na pagrerelihiyon sa Kanya ay ang pinamamalagi ng nagsasagawa nito.
Ahem, manatili kayo sa nakakaya ninyo; sapagkat sumpa man kay Allah, hindi nanghihinawa si Allah hanggang sa manghinawa kayo. Ang pinakakaibig-ibig na pagrerelihiyon sa Kanya ay ang pinamamalagi ng nagsasagawa nito.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay pumasok sa silid nito at sa piling nito ay may isang babae. Nagsabi siya: Sino ito? Nagsabi ito: Ito ay si Polana. Binabanggit nito ang [dami ng] pagdarasal nito. Nagsabi siya: "Ahem, manatili kayo sa nakakaya ninyo; sapagkat sumpa man kay Allah, hindi nanghihinawa si Allah hanggang sa manghinawa kayo. Ang pinakakaibig-ibig na pagrerelihiyon sa Kanya ay ang pinamamalagi ng nagsasagawa nito."
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල Kurdî தமிழ் Русскийالشرح
Dinalaw ng isang babae si `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya, at binanggit nito sa kanya ang dami ng dasal niya. Binanggit naman ni `Ā’ishah iyon sa Sugo ni Allah, malugod si Allah sa kanya, kaya ipinagbawal niya sa atin ang pagpapalabis-labis sa pagsamba at pag-aatang sa sarili ng hindi nakakaya nito. Ipinabatid niya rito na si Allah ay hindi makikitungo sa inyo ng pakikitungo ng panghihinawa hanggang sa manghinawa kayo at itigil ninyo ang pagsamba. Nararapat sa inyo na gawin ang makakayang panatiliin upang manatili ang gantimpala Niya sa inyo at ang kabutihang-loob Niya sa inyo.التصنيفات
Ang Qiyāmullayl