Ang ipinagbawal ko sa inyo ay iwasan ninyo at ang ipinag-utos ko sa inyo ay gampanan ninyo mula rito ang makakaya ninyo sapagkat napahamak lamang ang mga nauna sa inyo dahil sa dami ng mga tanong nila at pagsalungat nila sa mga propeta nila.

Ang ipinagbawal ko sa inyo ay iwasan ninyo at ang ipinag-utos ko sa inyo ay gampanan ninyo mula rito ang makakaya ninyo sapagkat napahamak lamang ang mga nauna sa inyo dahil sa dami ng mga tanong nila at pagsalungat nila sa mga propeta nila.

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang ipinagbawal ko sa inyo ay iwasan ninyo at ang ipinag-utos ko sa inyo ay gampanan ninyo mula rito ang makakaya ninyo sapagkat napahamak lamang ang mga nauna sa inyo dahil sa dami ng mga tanong nila at pagsalungat nila sa mga propeta nila."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ginabayan tayo ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na kapag nagbawal siya sa atin ng isang bagay ay kailangan sa atin ang pag-iwas niyon nang walang pasubali at kapag nag-utos siya sa atin ng isang bagay ay tungkulin nating gawin mula rito ang makakaya natin. Pagkatapos ay nagbabala siya atin upang hindi tayo maging gaya ng ilan sa mga kalipunang nauna noong dinalasan nila ang mga pagtatanong sa mga propeta nila kalakip ng pagsalungat nila sa mga iyon kaya naman pinarusahan sila ni Allah sa pamamagitan ng sari-saring kapahamakan at pagkawasak. Kaya nararapat na hindi tayo maging tulad nila upang hindi tayo mapahamak gaya ng pagkapahamak nila.

التصنيفات

Ang mga Pahiwatig ng mga Pananalita at ang Pamamaraan ng Paghuhulo, Ang mga Pakay ng Sharī`ah, Ang mga Kuwento at ang mga Kalagayan ng mga Naunang Kalipunan