إعدادات العرض
Tunay na ang pinakamabigat na ṣalāh sa mga mapagpaimbabaw ay ang ṣalāh sa gabi at ang ṣalāh sa madaling-araw. Kung sakaling nakaaalam sila sa [gantimpala sa] dalawang ito, talaga sanang pumunta sila sa dalawang ito kahit pa man pagapang
Tunay na ang pinakamabigat na ṣalāh sa mga mapagpaimbabaw ay ang ṣalāh sa gabi at ang ṣalāh sa madaling-araw. Kung sakaling nakaaalam sila sa [gantimpala sa] dalawang ito, talaga sanang pumunta sila sa dalawang ito kahit pa man pagapang
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang pinakamabigat na ṣalāh sa mga mapagpaimbabaw ay ang ṣalāh sa gabi at ang ṣalāh sa madaling-araw. Kung sakaling nakaaalam sila sa [gantimpala sa] dalawang ito, talaga sanang pumunta sila sa dalawang ito kahit pa man pagapang. Talaga ngang nagbalak ako na mag-utos [na magsagawa] ng ṣalāh saka magsagawa ng iqamāh, pagkatapos mag-utos ako sa isang lalaki saka mamuno ito sa ṣalāh sa mga tao, pagkatapos lumisan ako na may kasama sa akin na mga lalaking may mga bigkis ng panggatong patungo sa mga taong hindi dumadalo sa ṣalāh saka manunog ako sa kanila ng mga bahay nila sa apoy."}
الترجمة
العربية Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी বাংলা ئۇيغۇرچە Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili தமிழ் မြန်မာ Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands සිංහල ไทย دری Кыргызча Lietuvių Kinyarwanda नेपाली Malagasy Italiano or ಕನ್ನಡ Oromoo Română Soomaali Српски Wolof Українська Moore Azərbaycan ქართული Magyarالشرح
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa mga mapagpaimbabaw at pagtatamad-tamaran nila sa pagdalo sa ṣalāh, lalo na sa ṣalāh sa madaling-araw (fajr) at ṣalāh sa gabi (`ishā'), na sila, kung sakaling nakaaalam sa sukat ng pabuya at gantimpala sa pagdalo sa dalawang ito kasama ng konggregasyon ng mga Muslim, ay talaga sanang pumunta sila sa dalawang ito kahit pa man pagapang gaya ng paggapang ng bata sa pamamagitan ng mga kamay at mga tuhod. لا شيء فيه Talaga ngang nagpasya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na mag-utos magsagawa ng ṣalāh saka magsasagawa ng iqamāh at magtatalaga ng isang lalaki na mamumuno sa ṣalāh sa mga tao sa halip niya, pagkatapos lilisan siya nang may kasama sa kanya na mga magpapasan ng mga bigkis ng panggatong patungo sa mga lalaking hindi dumadalo sa ṣalāh sa konggregasyon saka manununog siya sa kanila ng mga bahay nila sa apoy dahil sa tindi ng nagawa nila na kasalanan dahil doon, subalit siya ay hindi gumawa niyon dahil sa mga bahay ay may mga babae, mga batang inosente, at iba pa sa kanila na mga mapagpapaumanhinan, na wala namang pagkakasala sa mga ito.فوائد الحديث
Ang pagkapanganib ng pagliban sa pagdalo sa ṣalāh sa konggregasyon sa masjid.
Ang mga mapagpaimbabaw ay walang nilayon sa pagsamba nila kundi ang pagpapakitang-tao at ang pagpapahanga sapagkat hindi sila pumupunta sa ṣalāh malibang kapag nakasasaksi sa kanila ang mga tao.
Ang bigat ng gantimpala ng ṣalāh sa gabi (`ishā') at ṣalāh sa madaling-araw (fajr) kasama ng konggregasyon at na ang dalawang ito ay marapat daluhan kahit pa man pagapang.
Ang pangangalaga ṣalāh sa gabi (`ishā') at ṣalāh sa madaling-araw (fajr) ay isang kaligtasan sa pagpapaimbabaw at ang pagliban sa pagdalo sa dalawang ito ay kabilang sa mga katangian ng mga mapagpaimbabaw.