Huwag ninyong gawin ang aking puntod bilang lugar na palagiang bisitahin, at ang mga bahay niyo na parang mga puntod, at manalangin kayo sa akin, dahil tiyak na ang inyong panalangin ay aabot sa akin kahit saan sulok pa man kayo.

Huwag ninyong gawin ang aking puntod bilang lugar na palagiang bisitahin, at ang mga bahay niyo na parang mga puntod, at manalangin kayo sa akin, dahil tiyak na ang inyong panalangin ay aabot sa akin kahit saan sulok pa man kayo.

Mula kay Aliy ibn Al-husain: "Katotohanan nakita niya ang isang lalaki pumunta sa isang puwang na nasa puntod ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at siya'y pumasok dito at manalangin, dahil doon pinigilan niya siya, at nagsabi: Ipagbigay-alam ko sa inyo ang hadith na aking narinig mula sa lolo ko mula sa Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- na nagsabi:((Huwag ninyong gawin ang aking puntod bilang lugar na palagiang bisitahin, at ang mga bahay niyo na parang mga puntod, at manalangin kayo sa akin, dahil tiyak na ang inyong panalangin ay aabot sa akin kahit saan sulok pa man kayo)).

[Tumpak sa mga paraan at mga patotoo nito] [Isinalaysay ni Ibnu Abī Shaybah]

الشرح

Ipinahiwatig sa atin ni Ali Ibn Al-husain -Malugod si Allah sa kanya- na nakita niya ang isang lalake nanalangin sa dakilang Allah sa taas ng puntod ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-, at kanya itong pinigilan mula doon dahil sa basehan niya ang hadith ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- na nagbabawal na gawin bilang lugar na palagiang bisitahin ang puntod niya, at nagbabawal na abandonahin ang mga kabahayan sa pagsamba sa dakilang Allah at pag-alala sa Kanya, at ang paghambing niya sa mga puntod na nagsabi ang pag-pupugay ng muslim ay aabot din kanya -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- kahit saan pa man siya naroon.

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng Tawḥīd (Paniniwala sa Kaisahan ni Allāh)