{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumasok siya sa palikuran, ay nagsasabi ng: "Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -lkhubthi wa-lkhabā'ith. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa mga lalaking demonyo at mga babaing demonyo.)"}

Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumasok siya sa palikuran, ay nagsasabi ng: "Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -lkhubthi wa-lkhabā'ith. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa mga lalaking demonyo at mga babaing demonyo.)"}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagnais siyang pumasok sa lugar na pagtutugunan niya ng tawag ng kalikasan niya sa pag-ihi o sa pagdumi, ay humihiling ng pagkupkop kay Allāh at nagpapakanlong sa Kanya na magsanggalang sa kanya sa kasamaan ng mga demonyo na mga lalaki at mga babae. Ipinakahulugan din ang khubth at ang khabā'ith bilang kasamaan at mga karumihan.

فوائد الحديث

Ang pagsasakaibig-ibig ng panalanging ito sa sandali ng pagnanais ng pagpasok sa palikuran.

Ang lahat ng nilikha ay mga nangangailangan sa Panginoon nila sa pagtulak sa anumang nakapeperhuwisyo sa kanila o nakapipinsala sa kanila sa lahat ng mga kalagayan nila.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan ng Pagtugon sa Tawag ng Kalikasan