إعدادات العرض
{Isinumpa ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang nanunuhol at ang nagpapasuhol sa paghahatol.}
{Isinumpa ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang nanunuhol at ang nagpapasuhol sa paghahatol.}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Isinumpa ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang nanunuhol at ang nagpapasuhol sa paghahatol.}
الترجمة
العربية Bosanski English فارسی Français Русский हिन्दी Bahasa Indonesia 中文 বাংলা ئۇيغۇرچە اردو Español Kurdî Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili தமிழ் සිංහල မြန်မာ ไทย 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands Türkçe Hausa دری Кыргызча Lietuvių Kinyarwanda नेपाली Italiano or ಕನ್ನಡ Oromoo Română Soomaali Српски Wolof Українська Moore Malagasy Azərbaycan ქართული Magyarالشرح
Dumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagtataboy at pagpapalayo sa awa ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) para sa tagapagbayad ng suhol, tagakuha nito, at tagahawak nito. Kabilang doon ang ibinabayad sa mga hukom upang magwalang-katarungan sa paghahatol na binabalikat nila upang umaabot dahil dito ang tagapagbigay sa ninanais niya nang walang katwiran.فوائد الحديث
Ipinagbabawal ang pagkakaloob ng suhol, ang pagtanggap nito, ang pamamagitan dito, at ang pagtulong para rito dahil sa taglay nito na pakikipagtulungan sa kabulaanan.
Ang suhol ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala dahil ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumumpa sa tagatanggap nito at tagapagbigay nito.
Ang suhol sa panig ng paghuhukom at paghahatol ay higit na mabigat na krimen at higit na matindi na kasalanan dahil sa taglay nito na kawalang-katarungan at paghahatol nang hindi ayon sa pinababa ni Allāh.
التصنيفات
Ang mga Kaasalan ng Hukom